SKY'S POV
Nandito ako ngayon sa Gangster Town. Tiningnan ko yung paligid. Hindi ko akalaing mapapasama nga talaga ako sa pagiging Gangster. Kahit ayaw ko man...kelangan. Kalimutan na nga natin yun. Basta member na ako ng Gangster nayon--kahit na hindi ko pa man masyadong tanggap >3Hide-in
Hide-in
Hide-in
Ginulo ko yung buhok ko saka ko iniling ang ulo ko. Sa tuwing sinasabi ko ang salitang 'hide-out' bigla kong naalala si Blake. Kasi naalala ko yung araw na dinala ako sa 'hide-in' raw nila ni Drake. Aiiiiiiiiish! Nakakamiss tuloy sila.
"Cell!" napatingin ako sa tumawag sakin. Si Liam pala--friend or co-gangster of Saf. Nagsama-sama na nga pala kami sa isang Gang nina Saf. At nalaman ko ring Gangster rin tong sina Liam.
"Ano ka ba,Liam! Wag mo na nga akong tawaging 'Cell' Nakakailang pakinggan eh" sabi ko sa kanya. Tumawa naman siya. Eh ang pogi naman pala ng isang toh kapag nakangiti eh.
"Hindi ka pa rin ba nasasanay,Sky? hay naku! Kelangang masanay ka na. kasi kapag nalaman ng iba.....araw-araw ka na nilang tatawagin sa 'Gangster Name' mo" nagmake-face nalang ako sa kanya. Saka naglakad.
Sumunod naman siya sakin. Pumunta kami ng Hide-out namin. Naabutan namin sina Roxy,Janine,David,Guy at Saf na may kasamang dalawang lalaki.. At kambal sila.
"Ahh,anong meron?" tanong ko sa kanila. Napatingin naman sila samin ni Liam. Napafacepalm naman si Saf.
"Etong kambal na toh.. Sasali raw sa Gang natin" tiningnan ko yung dalawang kambal.
^______________^ ganyan yung mukha nung dalawa.
=_____________= ganyan naman yung mukha namin.
"Tama nga sila.. Maganda ka nga,Ace *O*" sabi nung mala-cool na bata -,- Ang babata kasi ng mga mukha nila eh.
"Oo nga. Tapos ang puti mo pa.. Ilang gluta ba ang ininum mo?" sabi naman nung mala-simpleng bata lang.
"Hindi ko alam ang salitang Maganda. At hindi rin ako gumagamit ng Gluta." pokerface na sabi ko. Nagulat naman ako ng pareho nilang hinawakan ang magkabilaang kamay ko.
"Ate puhhhleaaaaase? Payagan mo na kaming sumali sa Gang niyo. Promise! Magaling kami sa pakikipaglaban. Kilala mo ba si Jackie Chan? Siya yung nagturo sakin ng martial arts,judo at kung-fu. Ha! Ha!" sabi nung mala-cool sabay nag-gesture pa siya ng sumisipa.
"Heh! Wala ka sakin! Si Bruce Can yung nagturo sakin ng martial arts,taekwando,judo,karate at kung-fu. Ha!" taas noo namang sabi nung batang simple lang.
"Bruce Can? Sino naman yun?" tanong ni Janine sa kanya.
"WHAT!? Hindi niyo kilala si Bruce Can?" exaggerated tong batang toh ah =____=
"Magtatanong ba ako kung kilala ko. Slow -,-" sabi naman ni Janine.
"Si Bruce Can. Siya yung nagturo kay Jackie Chan sa mga movie ni Jackie Chan na maraming away!" pagpapaliwanag nung batang simple.
"Ano bang pangalan ninyo?" tanong naman ni Roxy sa kanila.
"Ako nga pala si Jin ^____^" ahhh. Jin pala yung pangalan nung 'cool'
"Ako naman si Jimin ^____^" kambal nga sila. Ang lapit ng name nila sa isa't-isa eh.
"Kasali na ba kami sa Gang ninyo?" nakangiting tanong ni Jin. Ang gwapo ng nilalang na toh. Parang katulad lang ni Unggoy....yung unggoy sa Zoo =____=
"Hmmm.. Anong desisyonn mo,Saf?" tanong ni Davis kay Saffire.
"Psh! Payn.." sabay lakad ni Saf sa kitchen.
"Eh ikaw,Sky?" tanong naman ni Janine.
"Ayos lang" kibit balikat kong sagot saka ako naglakad.
"Waaaaaaaaaaaah! Jiminnnnn~ Kagang na natin ang Black Thunder T________T huhuhuhu~~" Jin
"Oo nga Jin! Nakakaiyak.. Huhuhu! Ililibre talaga kita ng Ice Cream" Jimin
"Anong ililibre mo'ko? Anong tingin mo sakin?! Walang pera?!" Jin
"Oo =___= Mukha ka kasing mahirap" Jimin
"Abah! Kung mukha akong mahirap edi mukha ka ring mahirap. Kambal kaya tayo.. Ulol =,=" Jin
"Ha? Eh... sabi ko nga ang cool mong tingnan ^_______^" Jimin
At wala ng katapusan. Kaya ko bang dagdagan ng mga labas sa mental ang Gang ko? =_____=
.
.
.
"Goodmorning Kongju ^______^" tiningnan ko lang si Charlie saka naglakad ulit ako. Kung tatangunin niyo nga pala ako kung anong nangyare sa paghila sakin ni Charlie papuntang Damian Academy ay hindi rin natuloy. Kasi hindi ako pumayag.
"Kongju naman eh >3___________< Ano bang dapat kong itawag sa bangag na toh?!
"Kongju,tawagin mo rin akong Wangja ^_______^"
Tatawagin ko siyang 'WANGJA'?! LETSUGAS! Humanda talaga tong bangag na toh sakin kapag hindi pa siya humarap.
"WANGJAAAAAAAAAAAAAAA!" sigaw ko.
"Kulang!" sigaw niya pabalik. Napakamot naman ako ng ulo ko.
'Ang choosy ng lalaking toh'
"Ihhhhh! Sige na Kongju! Dapat 'Wangja Ko' yung tawag mo sakin. Kasi Prince mo ako ^___^"
EWWWWWWWWW! Super duper triple EW! =____________= Pero heeeellllllll! Nasa sa kanya yung cellphone ko.
BAHALA NA NGA!
"WANGJA KOOOOOOO~" sigaw ko. Kasabay naman nun ang pagharap niya at pagngiti na parang tanga =______=
"Ano yun,Kongju ko?" nakangiting malapad na sabi niya.
"Ibalik mo Cellphone ko" agad naman siyang tumakbo palapit sakin.
"Eto Kongju ohhh! Hihihi" takte! Ang cute ng hayop na toh.
.
.
.
**
DRAKE'S POV
"Hay! Bakit ba kasi ang Pogi ko?" tumingin ako kay Cyrus na tinitingnan yung sarili niya sa salamin. Binato naman siya ng papel ni Ace.
"Loko! Mas pogi ako.." sagot naman ni Ace sabay ngisi. Ang weird ni Ace ha. Bipolar din ang gago. =________= Bigla nalang nakikisakay sa mga katarantaduhan namin eh. Anyare sa isang toh?
"Sus! Wala kayo sakin! Nasa dugo talaga namin ang pagiging Pogi" sabay pogi pose pa ni Blake.
"Eh bakit nasa Dugo lang..wala sa mukha?" pambabara ko sa kanya. Kaya naman sina Cyrus at Ace todo tawa. Nakisali na rin ako sa kanila.
"geh! Pagtulungan niyo lang ako =_______=" sabi ni Blake. Nandito nga pala kami sa Classroom at kakatapos lang ng klase namin.
"ACEEEEEEEE~" bigla kaming napahinto nang biglang may isang lalaki ang tumawag kay Ace. Mukhang masayahin yung lalaki.
"Charlie?!" sabi ni Ace. tapos agad na lumapit si Ace kaya sumunod kami sa kanya.
"Uy Ace Pinsan! Grabe! Ibang-iba ka na ngayon ah!" sabi nung Charlie.
"Ikaw din.. Teka,kelan ka pa nandito?" tanong ni Ace.
"Magi-isang buwan na rin. Pasensya ka na at ngayon lang ulit tayo nagkita. Busy eh.." Charlie.
"Ay oo nga pala. Mga kaibigan ko.. Sina Drake,Blake at Cyrus" nag-hello naman kami kay Charlie. Well,okay naman siya. Mukha rin siyang tanga =_____=
Cafeteria...
"Kamusta lablayp mo,Pinsan?" tanong ni Charlie kay Ace. Nagkatinginan naman kaming tatl--Blake,Ako at Cyrus.
"Pfft! Si Ace? Magkakalablayp? End of the world na ba?" sabi ni Blake kaya binatukan siya ni Ace.
"Aray! Di mo alam yung salitang joke,Ace?" sabay pout ni Blake.. Bakla =____=
Bigla namang tumunog yung cellphone ni Charlie kaya sinagot niya muna. Nang makita niya ata yung tumawag eh ngumiti siya ng pagkalapad-lapad. Inlove toh panigurado.
"Hello Kongju Ko ^_______^ Nasan ka ngayon? Nasa school ka pa ba? Kasi ako nandito ako sa Damian Academy.......Kasama ko ngayon yung pinsan kong si Ace........Bakit ka nga pala tumawag sakin,Kongju ko? Namimiss mo na ako noh?......Amin amin din,Kongju ko!........Eh bakit ka ba kasi tumawag?........Si Saffire ba? Naku kasama si Clyde eh.......Kala ko pa naman ako talaga yung tin--Hello? Hello? Kongju ko? hello? Eh pinatay na" sabay tago niya na ng cellphone niya.
Medyo nacurious naman ako sa 'Saffire' na sinabi niya kanina.Tiningnan ko rin that time si Cyrus at napatingin rin siya kay Charlie. Sino kaya yung kausap niya?
"Mukhang inlove ka ngayon,Pinsan ah!" sabi ni Ace kay Charlie. Ngumiti naman si Charlie.
"Tinamaan ako Pinsan eh" sabi ni Charlie sabay kibit-balikat.
.
.
.
"Sa tingin niyo ba...si Saffire Meryl Kang yung tinutukoy ni Charlie?" tanong ni Blake. Tumingin ako kay Cyrus...nag-iisip rin ata siya. But how I wish...na sana.. Hindi niya kasama si S-Sky.