INIISIP ni Javi kung tama ba ang pagkakarinig niya. Nag-resign si Cali sa trabaho nito at literal na tinalikuran ang mundong ginagalawan nito para mag-fit in sa mundo na meron siya. Hindi niya lubos maisip na aabot ito sa gano’ng extent. Malalim siyang napahugot ng hinga. Tiningnan niya ito diretso sa mga mata nito. “Sigurado ka na ba sa desisyon mo? Sigurado ka ba na masaya ka sa gagawin mo?” tanong niya dito. Hindi ito nakasagot kaya naman napahalukipkip siya. Mula nang sabihin ng mga magulang nila na plano sila nitong ipagkasundo na dalawa, naging desidido siya na kung sakali ‘man na matuloy iyon ay hinding hindi niya aalisan ng kalayaan si Cali na gawin ang gusyo nito sa buhay. If she wants to work, he’ll let him. Hindi na mahalaga kung siya lamang ang magsasakripisyo at kung pangara