SA LAHAT ng taong kumausap sa kanya si Bernice ang pinaka hindi niya inasahan. After what she said to her exactly two months ago, she never talked to her again. Pakiramdam niya nga ang unfair niya dito. Dinadala nito sa sinapupunan nito ang pamangkin niya pero parang wala lang iyon sa kanya. She still hates her. Naniniwala pa din siya na hindi talaga nito mahal ang kapatid niya. Matama niya itong pinagmasdan matapos niya pagkrusin ang dalawang kamay niya sa ilalim ng kanyang dibdib. “Bibigyan mo din ba ako ng advise? Huwag mo na tangkain –“ Naputol ang pagsasalita niya nang magsalita ito. “Hindi ka din naman makikinig. Wala ka naman pinakinggan kahit isa sa kanilang lahat na kumausap sa ‘yo. Pigilan mo na lang ang asawa mo sa pag-aaya sa kapatid mo na mag-inom. Baka hindi pa ako nakakapa