CHARMAINE Pinanlalakihan ako ng mga ni Caleb ngayon dahil hindi niya inaasahang ipapasa ko sa kanya pabalik ang kanyang cellphone. Kung hindi naman sana nanghihina ang pakiramdam ko ngayon ay hindi ko naman i-aasa sa kanya ‘to, kasi mas komportable naman ako na ako ang siyang kumakausap sa mga teacher namin. Kaya ginantihan ko na lang siya ng panlalaki ng mata ko kaya no choice na siya, napilitan na siyang tanggapin ang cellphone niya at siya na rin ang nakipag-usap kay Ma’am Amelia. Nakapag-send naman na rin siya ng picture naming tatlo pero syempre, hindi kami ngumiti. Baka kasi akalain ng teacher namin ay nagbibiro lang kami at nagpapalipas lang kami ng oras sa clinic para hindi kami makapasok sa klase niya. Hindi naman nagtagal ang pag-uusap nila kasi may kailangan din asikasuhin ang
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books