CHARMAINE Kung oobserbahan ko si Caleb, parang napakakalmado niya ngayon tingnan kumpara sa Caleb na nakakasama ko sa school. Posible kayang hindi parehas ang Caleb na narito sa bahay at ang Caleb na pumapasok sa eskuwelahan? Napailing ako sa sarili kong naiisip, wala naman na rin akong ibang naitanong o nasabi pa kay Caleb kasi natanaw ko na nga si Jayden na palapit na sa kinaroroonan naming dalawa. Itinaas ko ang kamay ko sa ere tsaka ako kumaway nang kumaway kay Jayden hanggang sa nakarating na siya mismo sa aming kinatatayuan. “Akala ko ba nasa bahay ka? Bakit ang bilis mo nakarating at tsaka ano sinasabi mong nasa kanto ka lang?” magkakasunod na tanong ko sa kanya. Hindi naman siya hinihingal o kung ano, mukhang malapit lang nga talaga ang kanyang pinanggalingan. Napakamot sa ulo si