CHARMAINE Pagkaraan nga ng ilang minuto ay napilit na rin ako ni Jayden na pumayag sa nais niyang pumunta sa kabilang building. Hindi niya sinasabi sa akin kung ano ang totoong dahilan niya kung bakit niya naisip ‘yun, pero hinayaan ko na lang siya kasi mayroon naman na rin akong ideya kahit pa hindi ko alam kung ayon talaga iyon. Paulit-ulit lang niyang sinasabi sa akin na nagsasawa na siya sa mga mukha ng mga estudyante rito sa building namin at para naman maiba ay gusto niyang pumunta sa kabilang building. Ang isa pa nga sa ipinagtataka ko ay kung bakit kailangang isama pa niya ako kung pwede naman din niya iyon gawin ng siya lang mag-isa. Ginawa pa niyang dahilan ang pagiging presidente ko sa klase namin, eh siya nga rin ‘tong secretary naman namin. Dahil nga matagal pa naman ang pag-