Chapter 15.1

1190 Words

CHARMAINE “Ma? Pa? Nandito ba kayo?” malakas na tanong ko sa pagbabakasakaling matatagpuan ko na sila rito kahit pa medyo nawalan ako lalo ng pag-asa. Para kasing ang imposible namang nandito silang dalawa kung totoo man ang sinabi ni Caleb kanina na nakasuot ng pormal sina mama at papa. “Mama? Papa? Si Charmaine ‘to, ang anak ninyo. Kasama ko sina Caleb at Jayden, mga kaibigan at kaklase ko sa school,” sabi ko kasabay ng pagpapaalam ko sa kanila na mayroon akong ibang kasama. “Ma, Pa… Kung nandito kayo, magsalita naman kayo para alam kong nasa tamang lugar ako at tama rin ang desisyon na ginawa ko,” pahayag ko pa. Kahit na ilang beses akong magsalita rito sa tapat ng isang madilim na bahay ay wala rin naman akong napapala. Wala akong natatanggap na kahit na anong klaseng sagot at wala ri

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD