Chapter 27.2

1041 Words

CHARMAINE Lagpas tatlong minuto na akong nagtitiis sa pananabunot sa akin ni Athena, hindi pa rin niya binibitawan ang buhok ko at mas nilalakasan pa nga niya iyon na para bang gigil na gigil siya sa akin. Wala naman akong ginawang mali sa kanya, siya pa nga ang dapat namin sabunutan ni Jayden dahil siya itong nagkasala. Si Athena ang siyang nagpanggap at nanloko ng isang lalaking wala namang ibang intensyon kundi ang magmahal ng tunay. Maski ang ibang mga estudyanteng nakapalibot sa field ay hindi man lang ako tinutulungan, literal na pinapanood lang nila akong makawawa rito sa harapan nila at mukhang natutuwa pa nga sila sa kanilang nasisilayan. “Sino sa ating dalawa ngayon ang napapahiya, Charmaine?” maangas na tanong sa akin ni Athena at pagkasabi niya niyon ay hinatak na lang niya b

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD