Ilang minuto bago nakaalis ang mga Tito ni Zandro ay nagsolo kaming tatlo sa sala nila. Nakaunan ako sa kandungan ni Zandro habang nakapatong naman sa mga hita ni Phil iyong mga binti ko. Kahit nakaka-intimediate iyong pagiging elegante ng sala nila na para bang di pwedeng tambayan dahil masisira ang pang-magazine na view ay napakakomportable naman ang mahabang sofa na kasalukuyan naming kinaroroonan. Sa totoo niyan ay inaantok na ako habang nilalaro ng isamg kamay ni Zandro ang aking buhok at nilalaro naman ng isang kamay ni Phil ang mga daliri ko sa paa. Pareho nakatutok ang atensiyon nila sa kaya-kanyang cellphone na hawak nila sa kabilang kamay dahil may mga importanteng messages silang sinasagot. Gusto nga sana ni Phil na aakyat kami sa kwarto pero ako iyong umayaw dahil kung