Raven pov Napasandal ako sa pinto pagkatapos ko iyon isara at napapikit hindi talaga nila ako tatantanan putek naman o'! napahawak ako sa aking dibdib at naramdaman ko roon ang mabilis ng pagtambol no'n na tila nakikipagkarera ang mga ito. "Mukhang mali nga talagang bumalik pa ako rito." Mahinang saad ko ewan ko ba pero iba ‘yung nararamdaman ko ngayon, nangangamba ako sa mga posibleng mangyari. Bumabalik na naman ba ako sa pagiging Rei? Sapagkat hindi magandang senyales ang nangyari sa'kin kanina dahil nang makita ko kanina ang lungkot sa mga mata ni Janelle ay parang bumagsak nang sandali ang pader na nakapalibot sa aking puso. At kahit hindi ko aminin ay alam kong may parte sa puso ko ang nangungulila sa kapatid ko pero alam ko naman na hanggang ngayon hindi pa rin ako tanggap ni J