Roux pov Napahilamos ako ng mukha gamit ang aking mga palad dahil sa labis na kahihiyan na aking nadama gano'n pala ang mga pinagdaanan ni Rei ngunit dinagdagan ko pa naging gago ako. Niloko at ginawan ko pa siya ng masama. Ang sakit tila sinasaksak ang puso ko sa mga nalaman ko. 'Ang tanga mo Roux' Napabuntong-hininga ako kaka-alis pa lamang nito ngunit ang lahat ng taong naiwan nito sa conference room ay parang namatayan. Napatingin ako kay Janelle nang bigla itong tumayo saka hinarap ang ama nito na nakasandal sa pader dahil sa panghihina. Alam ko na nagulat din ito sa mga sinabi ni Raven pati kami ay halos hindi makapaniwala sa mga revelasyon ni Rei. Hindi namin alam kung ano ang dapat gagawin namin kaya natulala lamang kami at ni hindi na rin namin napigilan ang pag-alis nito. We a