Roux pov Ngumiti ako at nakipagkamay kay, Mr. Alejandro Chui ang lolo ni Janelle na nasa wheelchair at kay Archie Chui na ama ni Janelle saka ko hinalikan sa pisnge si Janelle. Kakarating ko pa lamang kasi sa conference room ngunit tatlo pa lang silang nasa loob at nakaupo na sa kaniya-kaniyang upuan nila. May anim kasing upuan kaya umupo ako sa tabi ni Janelle. "Good day I'm sorry that I'm late." Masiglang saad ko, Ngumiti naman ang lolo at ama ni Janelle sa'kin. Noon ng maghiwalay kami ni Janelle nagalit sa'kin ang ama niya ngunit naipaliwanag naman ni Janelle na choice naming dalawa 'yon kaya bumalik muli ang pagiging close namin ng ama nito at masaya ako dahil hindi naman ako nawalan ng mabuting kaibigan na tulad ng pamilya nila. Isa pa masaya na rin ako na hindi na pinilit ng ama