Pinilit niyang maging matapang habang hinihintay ang pagdating ng doctor. Muli siyang nahimatay dahil sa sobrang sakit na naramdaman bago gawin ang procedure kun kaya naman buong higpit siyang nakakapit sa kama dahil pakiramdam niya ay namumuo na naman ang luha sa kaniyang mga mata. She's worried about the safety of her child. Pakiramdam nito kusa nang lalabas sa ribcage ang puso dahil sa matinding kaba at takot na nararamdaman. "Kumusta po ang baby ko, Doc? Ligtas na po ba siya?" masuyo nitong tanong. Tumingala siya at taimtim na nagdarasal sa kaniyang isipan para sa kaligtasan ng anak nila ni Ethan. "I'm sorry, Ms. Ferrer." Iyon pa lang ang narinig niyang sinabi ng doktor pero nanginig na ang kaniyang mga kamay. "The baby's gone. You had a miscarriage." Walang kahit anumang salitang