It's been a week simula nang ma-discharge si Ethan sa ospital pero hanggang ngayon ay hindi pa rin nito matyempuhang sabihin ang katotohanan tungkol sa kanilang anak. Palagi itong bukambibig ng binata habang may ngiti sa labi kung kaya naman hindi nito magawang basagin ang kaligayahang nararamdaman nito lalo na't naging malaking tulong sa recovery ni Ethan ang tuwang nararamdaman. Imbes na umuwi sila sa bahay ni Ethan mas minabuti ng mga itong manirahan muna sa rest house kung saan nakatira ang mommy ng binata. Nasa ibang bansa ito sa loob ng isang linggo kung kaya naman wala din silang kasama kung hindi mga kasambahay at mga security personnel na binayaran nito para siguraduhin ang proteksyon nila. "Sasha? Why don't we go for a walk? Hindi ba't malapit na ang pre-natal test mo?" Humugo