GF : 30

1152 Words

(Sasha’s POV) Nagawa naming kumbinsihin ang mommy ni Ethan nang ipinaliwanag nito ang lahat tungkol sa koneksyong mayroon ako sa pamilya nito. Kahit pa sabihing hindi ako naniniwala sa engagement na sinabi ni Axel, maging sa ipinaguutos daw ng lola ko at kagustuhan nitong tulungan akong mabawi ang lahat. Minsan ng nasira ang tiwalang ipinagkaloob ko sa ibang tao pero kahit ganoon ang nangyari, sinubukan ko pa ring magtiwala kay Ethan. Hindi lang dahil mahal ko siya ngunit pinatunayan nito sa aking karapat-dapat siyang pagkatiwalaan. Tulad nang sinabi nito, hindi namin tinanggap ang offer ni Axel at mas pinili ang simpleng kasal kung saan malalapit na kakilala lamang ni Ethan at mommy nito ang dadalo. Wala naman akong kahit sinong bisita kung kaya tama lang din ang naging desisyon namin.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD