(Sasha’s POV) Sumikdo ang puso ko sa narinig, wala tuloy akong nagawa kung hindi kunin ang isang baso ng mango juice na nasa tabi namin at dahan-dahang uminom. He’s naughty? Ano bang dapat kong gawin sa ganitong pagkakataon? Dapat bang akitin ko siya kahit buntis ako o kumain na lang ako sa harapan nito na para bang wala akong narinig? Hinintay ko ang magiging reaksyon ni Ethan pero isang malakas na tawa lamang ang isinukli nito sa akin. Nang mag-angat ako ng tingin, lalo lamang bumilis ang t***k ng puso ko nang makitang nakakalumbaba siya habang pinapanood akong uminom. Ngumiti pa ito sa akin pagkatapos kong kumuha ng isang slice ng pizza at kinagat iyon sa harapan niya. “You became hungry when you heard that I’m a little bit naughty? Baka gusto mo akong subuan, Mahal?” may lambing n