Ramdam ni Sasha na totoo nga ang sinasabi ng mga matatanda, masarap ang magmahal at hahamakin nito ang lahat manatili lamang sa piling ng isa’t isa. Ang mala-anghel na lalaking hinangaan niya noon, natuto nang lumaban alang-alang sa kapakanan niya at sa magiging anak nilang dalawa. “Let’s have a morning chat tomorrow, okay? Alagaan mo muna si Sasha at siguraduhing hindi ito mahihirapan sa morning sickness niya bukas,” sambit ng ginang bago nilapitan ang anak. Hinalikan nito ang noo ni Ethan saka matamis na ngumiti dito. Nabigla naman si Sasha nang lumapit din ito sa kaniya saka hinalikan ang kaniyang noo. Bahagya pa nitong hinawakan ang kaniyang tainga at pinakiramdaman ang panlalamig ng mga ito. Just like what a typical loving mom would do when her child's sick. “Magpahinga na kayo at