"Impossible ang bagay na 'yan, Ethan. Ano namang dahilan at hinahanap nila ako pagkatapos kong mawala ng mahabang panahon?" Humugot ng malalim na hininga si Sasha at pinakatitigan ang kausap. "Harap-harapan nila akong trinaydor noon. Wala man lang akong nagawa para protektahan ang sarili ko, maging ang alaala ng mga magulang ko." May takot siyang naramdaman at baka kung ano na lang ang sabihin ni Ethan dahil naging defensive siya sa harapan nito. Napabuntong-hininga na lamang si Sasha bago tumayo mula sa kinauupuan nang may naisip siyang paraan para ipaliwanag ang lahat dito. Ilang minuto ito nawala, laking gulat ni Ethan nang bumalik ito hawak ang isang kulay pulang wallet. "May gusto ka bang bilhin, Sasha? Sabihin mo sa akin at ako na ang bibili para sa'yo," wika ni Ethan nang makita