Chapter 1

1104 Words
Chapter 1 "Sweetheart, please?" untag ni Chuck habang karga ang sanggol na kanina pa umiiyak. Wala akong plano magpa-breastfeed kaya inutusan ko si yaya na bumili ng milk formula. "Nagugutom na si baby." Dahan-dahan niyang inilapag ang bata sa tabi ko na sige pa rin ang iyak kaya napilitan akong patahanin. Ilang segundo lang ay nakita kong may hawak na cottonballs si Chuck at tinanggal ang butones ng suot kong blusa. "What are you doing?" Tumingin ako sa kaniya at muli akong napangiwi nang mapansin ang gasa sa mukha niya. Mukhang nakipag-away talaga ang lalaking ito dahil may mga pasa rin sa bandang panga at ibabang bahagi ng kanang mata. Hindi ko alam kung bakit pero wala akong naramdamang awa  sa kaniya. Mas gugustuhin ko pa ngang makitang nahihirapan siya dahil sa mga panloloko niya sa akin. "Kailangan malinis ang n****e mo bago dumede si baby." Idinampi niya sa n****e ko ang cottonballs na sa palagay ko ay inilubog muna niya sa maligamgam na tubig dahil mainit-init pa iyon. "Iyon ang sabi ng nurse kanina." "Hindi ako magpapadede. I have money and I can buy milk formula for my baby. That's my decision." "She's my baby, too. I just want her to be healthy that's why I prefer breastmilk." "And what's wrong with milk formula, Chuck? Don't tell me hindi mo kayang bumili ng gatas para sa bata kaya gusto mong sa akin dedede 'yang anak mo?" Tiningnan ko ang sanggol na ngayon ay tumigil na sa kakaiyak dahil nasa bibig na ang kanang hinlalaki dahil natanggal ang mitten. "Huwag kang mag-alala, kaya kong bumili ng milk formula para sa anak mo." "Ayokong makipagtalo sa 'yo sa harap ni baby," mahinahong saad niya na tila ba pinipigil ang sarili na magalit. "There's nothing wrong with milk formula, sweetheart. Kahit pinakamahal na gatas kaya kong bilhin para sa baby natin. It's just happen that the most nutritious milk is here," tukoy nito sa dede ko habang patuloy ang pagdampi niya ng cottonballs sa parteng iyon. "Hindi kayang pantayan ng pinakamahal na gatas sa mundo ang gatas ng ina. And I just want the best for our baby. So, please,  nagugutom na si baby. Feed her or else maghahanap ako ng nanay na pwedeng magbigay ng gatas sa kaniya." Gumalaw ang panga niya matapos ilagay sa thrash bin ang ginamit na cottonballs. Hindi ko pinansin ang mga sinabi niya bagkus ay tumagilid ako patalikod sa bata nang walang anu-ano'y bigla na naman itong pumalahaw ng iyak. Dinig ko ang pabulong na pagmura ni Chuck saka kinarga ang sanggol kaya tumigil ito sa pag-iyak. "Five hours na simula nang ipanganak si baby, Ligaya," mahinahon pa ring saad ni Chuck na tila pigil na pigil sa sarili na magalit. Ipinagtaka ko rin ang pagtawag niya sa pangalan ko. Ngayon lang niya ako tinawag sa pangalang iyon. Umupo siya sa stool habang karga ang sanggol na sige pa rin ang iyak at nang hindi pa rin tumigil ay muli siyang tumayo saka kumanta ng lullaby.  Ipinikit ko na lang ang aking mga mata para matulog. Tumigil na rin ang bata sa pag-iyak kaya wala ng dapat pang ipag-alala ang OA niyang ama.  Hinang-hina ang katawan ko pati na ang kalooban ko. Kailangan kong makabawi ng lakas dahil maraming trabaho ang naghihintay sa akin. Ngayong nakapanganak na ako ay ipopokus ko na ang sarili sa trabaho para sa kinabukasan ni Clint. "Oh my!" Dinig ko matapos ang ilang minutong katahimikan. Nang imulat ko ang aking mga mata ay nakita ko si Patrick sa tabi ni Chuck at nakangiting pinagmamasdan ang baby. "My god, Chuck, kamukhang-kamukha mo si baby. Girl version mo, oh. Tingnan mo ang ilong pati ang bibig," gigil na saad ni Patrick. "Of course, Patty. Ako ang daddy kaya sa akin magmamana si baby." Nakangiting bumaling sa akin si Chuck saka muling tumingin kay Patrick at may ibinulong dahilan para kumunot ang noo ng huli. "Hello, bes." Bumeso sa akin si Patrick saka umupo sa stool matapos ilapag sa side table ang basket ng prutas at paper bag na sa tantiya ko ay pagkain ang laman. "Kumusta ang bagong panganak? Nakadede na ba ang inaanak ko?" "Hindi pa." "May dala akong sopas. Chuck pakainin mo nga si Ligaya nang makadede na si baby. Akin na ang inaanak ko." "Wala akong plano magpadede, Patty. Pinabibili ko na ng milk formula si yaya. Don't worry, parating na 'yon bago magising ang baby." Natigilan si Patty. "Ano? Hindi ka magpapadede?" "Yup! Maraming trabahong naghihintay sa akin, Patty. I need to work as soon as possible." "No, Ligaya. Magpahinga ka muna. Ang baby ang unahin mo. Hindi ka naman naghihirap—" "Patty," bumuntong-hininga ako. "Kailangan ko ng i-take over ang kompanya ni dad. Isa pa sanay ako na ilang linggo pagkatapos manganak ay nagtatrabaho na. Si Clint, hindi siya dumede sa akin eversince at gusto ko gano'n din—" "Not my child, Ligaya," sabat ni Chuck. Diretso siyang tumingin sa mga mata ko at mahinahong nagsalita, "you're going to breastfeed our baby and you're not gonna work for at least a year. I could provide everything you need." Tumayo na si Patrick at kinuha ang baby kay Chuck saka pabebeng nagsalita, "Come here, baby. Ninang loves you." Nang tumalikod si Chuck ay palihim akong kinindatan ni  Patty kaya nagtaka ako. Tila nagkabati na ang dalawa. Laking pasasalamat ko nang lumabas ng kwarto si Chuck. "He's broke, Ligs." Tumingin si Patrick sa nakasarang pinto. "Then good for him," tugon ko saka ipinikit ang aking mga mata. Ayokong tingnan ang bata. Parang naninikip ang dibdib ko sa sinabi ni Chuck kanina na hindi muna ako magtatrabaho sa loob ng isang taon. Ang gusto niya ay manatili ako sa bahay at mag-alaga ng anak niya. Nakakapag-init ng ulo. Si Clint noong baby pa ay iniiwan ko lang sa baby sitter dahil nagtatrabaho ako at iyon din ang gagawin ko ngayong nakapanganak na ako. Kung gusto niya, huwag na siyang magtrabaho at siya na lang mag-alaga sa anak niya. Hindi niya ako mapipigilan. Sa ayaw at sa gusto niya ay magtatrabaho ako dahil ayokong iasa sa kaniya ang lahat ng pangangailangan namin ni Clint. Kinabukasan ni Clint ang pinakamahalaga sa akin lalo na't wala man lang ibinibigay na suportang pinansiyal ang walanghiya niyang ama. Isa pa, nasanay na ako na sa mahigit isang dekada ay nasuportahan ko ang pangangailangan naming mag-ina nang walang hinihingi na tulong sa iba. Mag-isa kong itinaguyod si Clint, napag-aral ko siya kahit papaano. Ayokong umasa kay Chuck dahil alam kong kahit ano pa ang gawin ko ay hindi ko siya mababago. Nakilala ko siyang playboy at mananatili siyang gano'n. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD