Chapter 2

1520 Words
Chapter 2 Ilang araw na ang nakalipas simula nang makauwi kami galing ospital. At kahit ayaw kong i-breastfeed si baby ay wala akong nagawa dahil pinagdiinan ng mga kaibigan ko na mabuti sa sanggol ang gatas ng ina. Kita ko ang saya sa mukha ni Chuck nang unang beses kong padedehin ang bata. Pansin kong tila nagkakalapit na naman sila ng mga kaibigan ko dahil kinakausap na siya ng mga ito. Pati si Clint ay kinikibo na rin si Chuck na labis kong ipinagtaka. Parang may nangyari na naman na hindi ko alam. "Oh, baby." Napangiti ako habang bini-breastfeed si baby. Karga ko siya habang nakaupo ako sa sopa. Parang may kamay na humaplos sa aking puso habang pinagmamasdan ko ang aking anak. Ganito pala ang pakiramdam ng isang inang nagpadede. Ngayon ko lang naranasan ang ganito. Nakakaaliw pagmasdan ang mukha ni baby. Muli akong napangiti nang dumighay si baby matapos dumede. Nakaawang pa rin ang bibig niya kaya imbes na padedehin ko ulit ay hinalikan ko na lang ang labi niya at inilapag sa crib. Kung wala siguro si Clint, malamang hindi na ako magtrabaho at alagaan na lang si baby. Ayaw na ayaw ko talaga sa sanggol na babae, pero simula nang sa akin siya dumede ay tila may bumubulong sa akin na alagaan siya. Nawala ang bigat sa dibdib ko nang unang beses na dumede siya sa akin. Parang may kakayahan ang sanggol na ito na palambutin ang puso ko. Dumaan ang ilang minuto, nakatulog na si baby kaya tinungo ko ang banyo para maligo nang maulinigan ko ang sigawan sa labas. At dahil nasa taas ang kwarto ni baby ay binuksan ko ang pinto papunta sa terasa. Nang dumungaw ako nakita kong nagsusuntukan sina Chuck at Fern. Hindi ko alam kung sino ang nagsimula ng gulo pero duguan ang mukha ng huli. "Matagal ko ng gustong gawin 'yan sa 'yo, Andy!" sigaw ni Chuck saka sinuntok ang tagiliran ni Fern. "Sarili mong anak hindi mo man lang nagawang protektahan sa baliw na babaing 'yon." "Hindi niya iyon magagawa sa anak ko!" pabalik na sigaw ni Fern nang makatayo na. Dumapo ang kamao nito sa panga ni Chuck dahilan para mapasubsob ang huli sa tabi ng puno."Kilala ko siya at kilala kita. Ikaw ang kumidnap sa anak ko. Naalala mo pa ba no'ng nasa Amerika ka pa, ha? Naalala mo ang ginawa mo sa anak ng may-ari ng shop?" Nanlilisik ang mga mata ni Fern nang muli nitong suntukin si Chuck na naging dahilan ng pagbagsak niya sa lupa. Umigkas na naman ang kamao nito nang makita ko ang pagdating ng anak ko sabay tulak sa sariling ama para protektahan si Chuck. Dismayadong-dismayado ako sa ginawa ni Clint. Bigla-bigla ay na kay Chuck na naman ang simpatya niya samantalang noong nakaraang linggo ay gusto niyang magkabalikan kami ng ama niya. Napailing na lang ako at bumalik sa kwarto ni baby. Nang masigurong tulog pa rin ang bata ay bumaba na ako para alamin kung ano ang pinag-ugatan ng gulo. "Ma'am, duguan po si Sir Chuck sa labas," bungad sa akin ng katulong. "Mabuti na lang po at nakaalis na si Ma'am Nenita papuntang opisina." Para akong nabunutan ng tinik nang malamang wala si Mamita sa mansiyon. Nakakahiya kung narito siya at nanggugulo na naman si Fern. "Guard," narinig kong sigaw ni Clint nang papalabas na ako. "Ilabas n'yo 'yan, please at huwag na huwag ninyong papayagang makapasok ulit dito." Nakaupo na si Chuck nang mabungaran ko, si Fern naman ay kinakaladkad na ng dalawang guwardiya palabas ng mansiyon. "Ligaya, babe," sigaw nito na tila nagmamakaawa. Mahigpit ang pagkakahawak ng dalawang guwardiya kaya hindi magawang makawala ni Fern. "I just want you to know na si Chuck ang kumidnap sa anak natin. Huwag na huwag lang magtitiwala sa kaniya, babe." Tinuro nito si Chuck at matalim na tinitigan. "Magbabayad ka sa ginawa mo. Dahil sa 'yo kaya nagkaganyan ang anak ko!" Sumigaw rin pabalik si Chuck. "Huwag mong isisi sa akin ang kapabayaan mo. Anong klase kang ama na basta mo na lang iiwan ang anak mo na mag-isa sa condo at ngayong may nangyaring masama, sa akin mo isisisi ang lahat? Bakit hindi mo tanungin si Clint?" Tiningnan nito si Clint at inutusang paliwanagan ang ama. "I'm tired explaining everything to him, coach. He's a close-minded person. Wala siyang ibang pinaniniwalaan kundi sarili niya lang." Tinungo ni Clint ang hagdanan at naupo roon. Si Chuck naman ay dahan-dahang tumayo at naupo di kalayuan sa anak ko. "Damn!" bulong ni Chuck saka ngumisi. "Laki ng galit sa akin ng erpats mo." May kinuha itong panyo sa bulsa ng pantalon at pinunasan ang duguang mukha. Nagulat ito nang mapalingon sa pintuan ng mansiyon at makitang naroon ako. "Sweetheart, kanina ka pa ba riyan?" "Mom!" Tumalikod na lang ako at hindi na sila pinansin pa. Muli akong umakyat sa hagdan dahil baka gising na si baby. Dumiretso ako sa banyo at nagmadaling maligo habang tulog pa si baby. Iwinaksi ko sa aking isipan ang nangyaring gulo kanina. Bahala sila sa buhay nila, magpatayan man sila wala akong pakialam tutal parehas naman sila mga manloloko. Mga walang ibang iniisip kundi ang sarili nila. "Hey," saad ko nang lumabas ako sa banyo at makitang hinawakan ni Chuck ang kamay ni baby. Gising na ito at umiiyak na naman. "Get your filthy hands off my baby." "I already took a bath, sweetheart." Itinaas nito ang kamay saka ngumiti. "At naglagay ako ng alcohol sa kamay bago hawakan si baby." Pansin ko pa rin ang pilat sa kaliwa niyang pisngi maging ang panibagong black eye na tinamo niya kanina. Bumuntong-hininga na lang ako at nilapitan si baby para padedehin ulit. Dahil wala akong plano makipag-usap kay Chuck kung hindi tungkol sa bata, ay umupo ako sa kama patalikod sa kaniya at pinadede na si baby para matigil na sa pag-iyak. Ilang segundo ang dumaan ay naramdaman ko ang paglagay niya ng twalya sa likod ko. "Huwag malikot, baby, ha. Susuklayin ko lang ang buhok ni mommy." Nagpatianod na lang ako nang tanggalin niya ang tuwalya na nakapulupot sa ulo ko at sinimulang suklayin ang buhok ko. Hindi ko na lang siya pinansin dahil aliw na aliw ako sa pagmamasid sa baby. Napapangiti ako sa tuwing imumulat niya ang mga mata na tila ba nakikipagngitian sa akin dahil bigla iyong sisingkit at aawang ang bibig niya. "Lean on me, sweetheart," dinig kong saad ni Chuck saka kinabig ako pasandal sa dibdib niya. At dahil kanina pa ako nangangawit at ayoko namang maistorbo ang bata ay pumayag na lang ako. Hanggang sa maramdaman ko ang pagdampi ng labi niya sa aking sentido. Parang gusto ko na namang umiyak nang mga sandaling iyon. Awang-awa na naman ako sa sarili ko dahil ramdam ko na naman ang pagkalusaw ng galit sa puso ko. "Please forgive me, sweetheart," bulong niya sa tainga ko kaya hindi ko na napigilan ang pagbagsak ng mga luha sa aking pisngi. "I won't forgive you. Never. Pumayag ako na dito pa rin tumira dahil kay Mamita. Nag-aatubili akong iwan ka dahil ayokong mamroblema ang lola mo. You can do whatever you want. I don't care anymore. Tapos na ang lahat sa atin." "You can't do that, sweetheart. I love you and I know you still love me." Ipinikit ko na lang ang aking mga mata. Ayokong sagutin siya dahil baka ipagkanulo na naman ako ng puso ko. Mahal ko pa rin siya pero ano ang mangyayari sa akin, sa amin ng mga anak ko kung palagi na lang akong lolokohin ni Chuck? Kitang-kita mismo ng dalawa kong mga mata kung paano niya hinalikan ang babaing iyon. Ayokong dumating ang panahon na kapag pinatawad ko siya ay muli na naman niyang gagawin iyon. Magmumukha na akong tanga sa paningin ng lahat. Nang makatulog ulit si baby ay inilapag ko siya sa crib at kumuha ako ng damit saka nagbihis. Nakaramdam ako ng gutom kaya bumaba ako para kumain. Hindi ko na inaya si Chuck, bahala siya kung kakain siya o hindi. "Ma'am, iaakyat ko na po ba 'yong mga gamit ninyo sa itaas?" tanong ng katulong habang kumakain ako. "Yes. Please. Sa kwarto ni baby." "Mom, galit ka pa ba kay coach?" tanong ni Clint nang marinig ang instructions ko sa katulong. "Bakit ka lilipat ng kwarto?" Ngumiti lang ako saka uminom ng tubig. Hindi pwedeng malaman ng anak ko ang nangyayari sa amin ni Chuck lalo na't nakuha na naman ng huli ang simpatya ng anak ko. "Anak, nasa itaas ang nursery. Bini-breastfeed ko si baby kaya mas mabuti kung doon na muna ako matutulog kasama siya. Mahirap kung akyat-panaog ako. Ayokong mabinat." "That's right, Clint, kaya ipinaayos ko ang kwarto sa tabi ng nursery. 'Yon ang magiging kwarto namin ng mom mo." Halos mabulunan ako nang marinig ang sinabi ni Chuck. Ang kapal talaga ng pagmumukha. Ilang beses ko ng sinabi sa kaniya na hindi ako matutulog sa iisang kwarto kasama siya. Kaya nga simula nang dumating kami galing sa ospital ay sa nursery na ako natutulog. Nandidiri ako sa tuwing maaalala ko ang halikan nila ng babaing iyon sa labas ng bar.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD