My days went smoothly, nagawa ko iwasan ang pag-inom, pag-gimik at pagpunta sa mga wild clibs. Pagkagaling ko sa school ay diretso bahay na. Iyon na ang naging routine ko sa araw-araw na hindi ko alam na kaya ko pala. May mga bago rin akong naging kaibigan nerds na dati-rati hindi ko lang pinapansin ngunit ngayon sila na ang halos araw-araw kong kasama, hindi naman pala sila boring. Sa katunayan niyan ay nagustuhan ko sila. "Miss, wala pa ba ang driver niyo? Gusto mo bang sumabay na sa 'kin? Hatid ka na namin sa mansion niyo," pagmamagandang loob ni Shana. Umiling ako. "Hindi na, Shana. Umuna na kayo baka mamaya nandito na rin ang driver ko, baka kasi palagalitan pa ako sa bahay kapag 'di ako naabutan ni manong dito." "Ah, oh sige. Uuna na ako. Ingat ka." Bahagya siyang kumaway bago tu