Inabala ko ang sarili sa kusina at iniwan ko na muna sila sa living room to give them quality time nang lumapit si Mommy. She caresses my back. "Are you okay?" May himig ng pagaalala sa kanyang boses. Tumango ako. "Yes, Mom. Wala eh, tatay iyon at hindi ko naman p'wedeng ipagdamot si Shawn gustuhin ko man. Basta h'wag niya lang sosolohin ang anak ko. Ibang usapan na iyon." Ngumiti si Mommy. "That's a good sign na nag-ma-mature ka na talaga. You should accept things na hindi mo kontrolado." Napangiti na lang din ako at itunuloy ang pag-bi-bake ng cookies and cup cakes and now baking is my stress reliever, nag-baking class pa ako para lang ma-perfect ang paggawa ng mg pastries. Naniniwala kasi ako, sweet tooths make people calm and relieved when everything heavy and f****d up. Ewan ko k