"Mom, si Cennon? Parang ilang araw ko na ata siya hindi nakikita? Is he busy?" tanong ko nang lumapit ako kay Mommy na abala lang sa pagbabasa ng magazine dito sa living room. "May inaasikaso siya anak, eh. Pinatawag kasi siya ng Papa niya to do some works in their company. Kailangan nila ng tulong ni Cennon kaya h'wag mo siyang hanapin," sagot nito na ikinalungkot ko. P'wede bang h'wag hanapin? Aso nga kapag nawawala hinahanap, ito pa kayang Cennon ko? Ilang araw ko na siyang hindi nakikita, pang-apat na araw na simula noong gabing nagkaaway kami ni Daddy at iyon na rin ang huling beses na nagkausap kami ni Cennon. Kinabukasan no'n pagkagising ko mga maids lang ang nagsilbi sa akin, walang Cennon na nagtimpla ng gatas ko... Napansin naman ni Mommy ang bigla kong pananahimik. "Don't b