"Kaya ba... kaya ba kanina..." Hindi ko maduksong-dukusangan ang salitang gusto kong maisatinig. Napalunok siya at mariin napapikit. "I'm sorry for not telling you..." tanging iyon lang ang nasabi niya. Lumapit ako sa kanya at hinawakan siya sa kwelyo ng kanyang t-shirt at mariin siyang hinila-hila at niyugyog. "Bakit kung kailan hulog na hulog na 'ko... saka ka aalis? I'm doing my best to change! Ikaw ang naging inspirasyon ko para maging matinong babae, nagaasam na baka sakali, isang araw maging karapat-dapat ako sa iyo... tapos... biglang aalis ka na pala?" labis-labis ang hinanakit ko. I can't help to suppress my tears... Ngayon lang ako nakaramdaman ng ganito sa isang tao, hindi kanino man kundi sa kanya lang! I'm expecting him to stay! I've never been desperate, I've never bee