"She's the one who started the fight, Mom!" depensa ko sa aking sarili habang nanlalaki ang mga mata kong nakuturo kay Dilda. "Mga ka-babae niyong tao para kayong mga pusang kalye!" pagalit pa sa amin ni Mommy. Magkaharap kami ngayon nitong kaibigan kong magaling na hindi ko malaman kung kaibigan ko pa bang maituturing! Sina Mommy at Daddy ang namamagitan sa amin na nagmistulang kapitan at konsehal sa barangay na nagaayos ng gulong nangyari. Habang si Cennon ay nakatayo lang sa tabi ko, handang maging bouncer o taga-awat. Nagmukang face to face. "Ano bang pinagmulan ng gulong 'to?" si Daddy na mahinahon kaming tinanong. Humalukipkip ako at sumandal sa sandalan ng sofa. "She went here just to ask me why I didn't answer her calls and texts, and I told her that I'm busy in my upcoming