"Mommy, ilan taon na ba si Cennon?" tanong ko nang pumasok ako sa silid nila ni Daddy kinagabihan.
Abala itong naglalagay ng facial mask sa harap ng mirror dresser. "27 lang siya."
"Ano namang trabaho niya dati bago mo siya i-hire bilang butler?" pang-uusisa ko pa at naupo sa ibabaw ng kama nila.
"He is a retired army." Literal naman nalaglag ang aking panga sa sinabi niya, at hindi ako makapaniwala napatitig sa kanya.
"R-Retired army?? At the age of 27?!"
Kung isa man nga itong army noon, napaka-bata pa niya para mag-retiro.
"Sa katanuyan niyan anak, ayaw niyang pinaguusapan ang tungkol sa bagay na iyon, pero dahil kaibigan namin ng Daddy mo ang mga magulang ni Cennon kaya namin alam, and he's not here because he wants to be here, but because he needs it."
"Wala akong maintindihan, Mommy, kung dati ngang army si Cennon bakit naman siya napadpad sa pagiging butler? Bakit ito ang trabaho niya ngayon? Wala ba silang company para doon siya?"
Kaya naman pala wala sa itsura nitong gagawa ng ganitong klase ng trabaho.
"Mayaman din ang pamilyang kinabibilangan niya. Hindi niya linya ang humawak ng bussiness, naka-disgrasya kasi si Cennon ng dati niya kasamahan sa kanilang campo noon, at na-coma because of his bad temper that he can't control, so his parents asked an advice what to do to their son that would help him recover from stress."
Ibig sabihin... it's kinda therapy for him?
I'm quite shocked na may ganoon palang pangyayari sa kanya noon, kaya naman pala ayaw niyang sagutin kanina ang tanong ko nang tanungin ko siya, ito pala ang dahilan.
"Kung ganoon nga, ano naman ang maitutulong sa kanya nitong pagsisilbi niya rito sa bahay? Ginawa niyo pang house servant iyung dati palang servant ng bansa."
"No one forced him to retire, it was his choice to leave his dream profession dahil pakiramdam niyang tila may mali sa kanya at tingin niya ay hindi na siya karapat-dapat na mag-silbi sa bansa dahil sa nangyari," paglalahad pa ni mommy.
"Kaya ngayon magsisilbi na lang siya rito sa bahay? That's weird. Ano naman kaya maitutulong sa kanya ng pagtatrabaho niya rito sa atin? Baka lalo lang siyang ma-stress."
"Para nga mag-libang at maka-recover sa stress, nakikinig ka ba? Kanina ko pa sinasabi ang rason paulit-ulit ka lang ng tanong. We offered them na kung gusto nila ay dumito muna si Cennon sa atin kung gusto niya, kaya h'wag mo siyang bibigyan ng problema, h'wag kang utos nang utos kung kaya mo namang ikilos," mahabang lintanya ni Mommy na may pagalit pa kaya napanguso ako.
"Then, who offered him to work here as my personal butler? Kung tutuusin ay bisita lang siya dapat dito hindi taga-silbi?" tanong ko muli.
"He doesn't want us to treat him like guests so he offered himself to have a job here, pasttime lang. Mabuti na lang ay nakumbinsi siya nina Sally at Dan na dumito muna sa bahay natin, noong una ay ayaw pa niya pero nakapag-isip din siya na p'wede siyang malibang dito."
Tatanungin ko sana kung bakit hindi na lamang bodyguard instead of butler, pero naalala kong nasabi na rin ni Mommy na, he came from an uncontrolled violence experience kaya siguro, pagiging butler na lang ang naisipan nilang ibigay na trabaho rito, malayo sa trabaho niya noon.
"So, nangangahulugan na dito ang magiging healing ground niya, base sa pagkakalahad niyo sa akin?" napagtanto kong sinabi kasabay nang paghalukipkip.
"Oo, kaya umayos ka, hindi pasensyoso ang butler mo, h'wag kang panay utos at panay reklamo baka mamaya ay bigla ka na lang maihagis no'n," bilin niya sa akin na may pabirong pananakot.
Saan ba ihahagis? Pabor kung sa malambot na kama niya ako ihahagis, maghahagisan kaming dalawa.
"Hindi ba nga, kailangan ngang masubukan ang pasensya niya? Paano ko siya matutulungan alisin ang stress niya kung hindi ko siya susubukang galitin?" tanong ko.
Napatigil si Mommy sa kanyang pag-i-skin care at humarap na siya sa akin. "Ang punto ko, we need to help him to ease his stress, hindi ko sinabing dagdagan mo."
"Okay, okay!" Tinaas ko ang dalawang kamay, showing of surrender. "Pero, napapaisip ako, paano niyo ako nagawa na naipagkatiwala sa kanya gayong may ganoon nga siyang kaso? Hindi ba alarming iyon, Mom? Lalo na't babae ako na anak mo? Tapos iiwan niyo ako sa may pagka-bipolar at may anger issue?" alinsunod kong tanong.
"Hindi siya bipolar, wala siyang sakit sa pag-iisip at wala rin siyang anger issue. Sadyang short tempered lang, kapag 'di tama o may problema sa kausap, hija. He's a good man, and a very gentleman, you can see it these coming days kapag nakilala mo na siya," sagot niya na ikinatango-tango ko.
"Pansin ko nga, mukha nga naman siyang mabait at maginoo, pero parang suplado." Natawa naman si Mommy sa sinabi ko.
"Siyang tunay, anak. Hindi niya gusto ang mga kagaya mong spoiled brat, mabilis uminit ang ulo niya, but he can hide it when it comes to women, he's a gentleman like what I've said."
Hindi pala niya gusto ang mga kagaya ko, huh? Let's see, then. No one can resist my charm.
"Makikipag-break na ako sa boyfriend ko Mom," biglang anunsyo ko na ikinagulat naman nito.
Nagsalubong ang dalawa niyang kilay. "At bakit?? Nag-away ba kayo? Nambabae ba?"
"Hindi siya nambabae, at ang kapal naman ng mukha niya kung mambabae pa siya sa ganda ko nang 'to. I feel bored, ngayon lang."
Naupo siya sa tabi ko. "Shantice, pag-isipan mo mabuti, Van is your long time boyfriend. Ilan taon na kayo? Almost three years darling."
"I fell out of love with Van in just an instant, when I saw him," diretsuhan ko nang sinabi habang nakatingin sa dingding na katapat ko at ang tinitukoy ko ay ang bago kong butler.
I am so much attracted to Cennon, which I cannot control nang unang beses ko siya makita kanina. I want him so bad, so, so freaking bad.
She stares at me in disbelief "You saw who?!" Nawiwindang na tanong ni Mommy habang nakatitig sa akin.
Bukas ako sa mga magulang ko pagdating sa nararamdaman ko, I don't need to hide anything just to act like a saint, because I know, I am not.
"Cennon, Mom. I want him..." I confessed without hesitations directly to the point.
Awang ang bibig ni Mommy na napatigil matapos marinig ang sinabi ko at nagulat ako ng hawakan niya ako sa magkabilang braso.
"You have a boyfriend, Shantice! For Pete's sake! You fell out of love just because you're attracted to somebody else?" she asked me in disbelief.
She looks stressed, palibhasa ka-amiga niya rin ang mga magulang ng nobyo kong si Van kaya ganito na lamang ang reaksyon niya sa sinabi kong gusto ko nang makipaghiwalay.
"Hindi lang din naman dahil doon, Mom. Sa katunayan niyan, he has become cold to me lately, and I don't know why, hindi naman ako nagtatanong," paglalahad ko sa kanya.
Medyo nagkakalabuan na rin kami nitong nakaraan, I don't know what's going on now and I'm starting to feel bored because we're starting to lose our connections.
"Ibig sabihin, nagkakalabuan na kayo?"
Tumango ako. "Yes, Mom. Blurry na," sagot ko.
"Kaya pala ang tagal na noong huli ka niyang binisita rito sa bahay, at bihira na rin kayong lumabas nang magkasama," saad niya nang mapagtanto ang sitwasyon.
"You think, Mom? I will stay by his side forever? No way, ang daming lalaki riyan. Nandiyan naman si Cennon, maybe he can make me happy..." may ibig ako ipabatid sa huli kong sinabi kaya nakurot niya ako.
"You like him, Shantice? You like Cennon?" tanong niya na tila sinisiguro ang narinig niya kanina.
Sasagot na sana ako nang biglang bumukas ang pinto ng silid at pumasok si Daddy na kauuwi lang galing ng opisina.
"You're here, princess. Mukang may girls talk na naman kayo ng Mommy mo," nakangiting saad nito nang makita ako.
Tumayo ako at sinalubong ko siya at humalik sa kanyang pisngi ganoon din si Mommy na kinuha ang hawak nitong coat.
"Yes, Dad. Palabas na rin ako nang dumating kayo. Kaya maiwan ko na muna kayo ni Mom at baba na lang kayo kapag gusto niyo nang kumain," paalam ko na sa kanila.
"Sabay-sabay na tayong humaba, gutom na rin ako," saad ni Daddy kaya sabay-sabay na nga kaming tumungo sa dinning.
Naabutan namin si Cennon na tumutulong sa paghahanda ng hapunan at napansin ko ang mga maids namin, parang mga kinikilig habang pinapanuod ang bawat kilos nito.
Sinamaan ko sila ng tingin kaya nagsi-ayos sila ng tayo at humanay na sa gilid, bumalik na rin ang kanilang casual na mga mukha at ang iba namang kasambahay ay patuloy lang sa pagaayos ng lamesa.
Sa nalaman kong impormasyon tungkol kay Cennon, parang ako na itong nahiya bigla na isang professional army na minsang nagsilbi sa bansa ay siya ngayong nasisilbi sa amin sa hapag.
It's weird right? Awkward kung iisipin.
"Sumabay ka na sa amin, Cennon," panabay na anyaya nina Mommy at Daddy rito ngunit umiling lamang ito.
"Mamaya na lang ako Madame, Mister," pormal niyang pagtanggi sa pa-anyaya ng mga magulang ko.
"Masiyado ka namang pormal, halika na sumabay ka na sa amin, h'wag ka nang mahiya," saad ko at ipinaghila ko siya ng isang silya katabi ko sabay tapik dito. "Sit."
I smiled at him with my pleasant eyes, baka sakaling madala ko siya sa pagpapa-cute ko at paunlakan niya kaming sumabay na siya sa amin sa pagkain.
Umiling lamang siya at ginawaran ako ng ngiting nakamamatay. "No, thank you, please eat without my presence on the table, I really appreciate your offer but I'm fine, I can eat later," he refused politely.
I try my best to hide my giggles, but I cannot.
Nang bumaling ako kina Mommy at Daddy ay nahuli ko silang nakatingin sa akin na tila tinatantya ang reaksyon ko.
They know me, I am not used to hiding what I feel, but not forgetting my poise, it's still intact.
Tumikhim na lang ako para iwaksi ang mainit nilang mga mata sa akin at ginawaran sila ng isang pilyang ngiti at masaya lang na kumain.
Ngayon ko pa lang naranasan na habang kumakain ay hindi maalis-alis ang ngiti sa aking mga labi, I feel like I'm enjoying my dinner for the first time.