SABI ni King Ezekiel sa akin, kapag malungkot daw ako o kung gusto ko ng makakausap ay huwag daw akong mahihiya o magdadalawang isip na tawagan siya. He is one call away daw. Kaya iyon ang ginawa ko, I was sad and I wanted to talk so I called him. Habang nagri-ring ang cellphone ko ay hindi ko mapigila ang makaramdam ng hiya. Bigla kasi akong nakaramdam ng hiya baka busy siya at maistorbo ko siya. Pero pilit ko na nilalabanan ang hiya na nararamdaman ko. Naisip ko na lang na kapag busy siya, hindi ko na lang sasabihin na gusto ko siyang makausap. Mag-a-alibi na lang ako sa kanya kung bakit ko siya tinawagan. Nakakatatlong ring ay sinagot naman na niya ang tawag ko. "Hello, Ayanna?" wika niya sa buong-buong boses nang sagutin niya ang tawag ko. Saglit ko namang kinagat ang ibabang labi