DYING INSIDE TO HOLD YOU BOOK 3: RAYVER AND JANINA CHAPTER TWO

1340 Words
DYING INSIDE TO HOLD YOU: BOOK 3 RAYVER & JANINA 2 Dalawang beses na kumatok si Janina sa pinto. Ilang sandali pa ay may nagbukas na iyon. Tinamisan niya ang kanyang ngiti 'yung abot hanggang tainga. Isang magandang babae ang nagbukas niyon. Tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa. Tila naman nairita si Janina dahil sa ginawi ng babae. Ngunit pinili niyang nakapagkit ang kanyang ngiti sa labi niya. "Are you, Janina Marie Sandoval?" Maarteng tanong nito kinalaunan. "Yes, po!" Sagot niya kahit ang totoo gusto na niya itong supalpalin. "Okay! Pumasok ka na, may mga itatanong lang daw si boss sa'yo bago ka magsimula." Turan ng babae at niyaya na siya sa loob. Napaismid siyang sumunod sa babae. Lalo pa siyang nainis nang pakembot- kembot pa itong naglalakad. Kung gaano kalaki ang puwet nito, mas malaki naman ang mga hips nito. Lihim siyang napatawa, tigasin siya pero alam niyang mas maganda pa rin ang kanyang katawan. Tumigil ang babae saka ito humarap sa kanya. "Ito ang kwarto niya, ang mga pumapasok dito ay kailangan munang kumatok nang ganito." Sabi nito sa kanya bago maarteng kumatok. Mangani- nganing paikutin niya ang kanyang nga mata, subalit naalala niya ang bilin ng kanyang ama. Kung kaya't napahinga siya nang malalim. "Boss! Narito na ang anak ni Mang Julio, papasukin ko na ba?" Wika ng babae. "Sige! Let her in," narinig niyang sagot ng kanilang boss. Binalingan siya ng babae. "Maari ka nang pumasok," sabi nito sa kanya. Tumalima naman siya agad at itinulak ang pinto. Gusto na kasi niyang 'wag nang makita ang babae, naartehan siya masyado. Nakatalikod sa kanya ang kanyang boss. May kung anu- ano itong hinahanap sa drawer na nasa likuran nito. Tumikhim si Janina bago nagsalita. "Magandang umaga, po!" Magalang niyang wika rito. "Kumusta naman ang araw mo, Misa Sandoval?" Tanong nito sa kanya ngunit hindi pa rin ito humaharap. "Okay naman po!" Kimi niyang sagot. Tila natigilan ito at biglang humarap. Halos panawan nang ulirat si Janina, nang makita kung sino ang magiging boss niya. Kumurap- kurap pa siya at tinitigang muli. Ngumisi naman si Rayver nang makita kung sino si Miss Sandoval. "I am right, ikaw nga bad cheetah!" Turan ni Rayver. Napairap si Janina. Tatalakan niya sana ito ngunit naalala niya ang bilin ng kanyang ama. Kahit kumukulo na ang kanyang dugo rito ay pinilit niyang ngumiti. "Hindi ba sabi ko sa'yo, hihintayin kita?" Nakangisi pa ring wika ng binata. Nahigit naman ni Janina ang kanyang hininga. Saka siya nagbuga nang hangin, para kahit papaano ay makalma siya. "At your service, Sir!" Peke niyang ngiti sa binata. Matiim siyang tinitigan ni Rayver saka muling napangisi. "Maganda ka pala sa malapitan, mukha ka kasing wrestler sa malayuan." Bagkus ay sabi nito sa dalaga. Kumibot- kibot ang labi ni Janina at nagsisimula nang bumilis ang kanyang paghinga. Inis na inis na siya talaga, malapit na siyang sumabog. "Well, konti lang naman ang tatanungin ko sa'yo. Una, where are you currently working?" Nakangising tanong ng binata. "I am currently working at Let's dance club," sagot niya na pinagtagis pa niya ang kanyang mga ngipin. Mas lumuwang ang ngisi ni Rayver. "So magaling kang sumayaw, I love that!" Naaliw na tugon nito kay Janina. Nakagat naman ni Janina ang kanyang labi dahil sa pagpipigil. "Then, what is your course and are you graduated?" Tanong nitong muli sa dalaga. "Graduated na po ako, at Computer Science ang kurso ko, po!" Sagot niya na may halong inis. "Oh! Impressive! May boyfriend ka na ba?" Nakangising turan ng binata. Muling napabuga nang hangin si Janina. Nangangako siyang maghihiganti siya rito, balang araw. "Wala!" Maikli niyang sagot. "Oh! NBS?" Tanong na naman ni Rayver. Napakunot- noo si Janina. "Hindi mo alam ang, NBS?" Nakadilat na tanong ni Rayver. "Alam ko! Kahit anong NBS alam ko, kahit ang tatlong SSS alam ko. Kahit ang limang SSS, alam ko rin!" Inis na inis nang sagot ni Janina. Napamulagat si Rayver at napatanga sa sagot ni Janina. Tila naman natauhan ang dalaga at itinikom niya ang kanyang bibig. "Sorry, po!" Mahina niyang pagpapaumanhin sa binata. Napngiti naman nang dahan- dahan si Rayver. "Alam mo, may something talaga sa'yo! And I want to know it," nag- iisip nitong sabi. Bago pa man makasagot si Janina ay tinawag nito ang kanyang secretary. "Heyah, turuan mo na si Miss Janina. Gusto ko, personal assistant ko siya. Si Thalia na lang ang assistant mo," bilin nito sa dalaga. Tila nagtaka naman si Heyah sa bilin ng kanyang boss. Tiningnan niya pa si Janina nang pairap. "Sige po!" Magalang na sagot nito saka nagpaalam na. Nilagpasan siya nito na tila kakainin na siya sa tindi nang irap sa kanya. Nagngingitngit naman si Janina, may araw din sa kanya ang maarteng si Heyah! "Do'nt call me, Sir! Boss na lang itawag mo sa akin. By the way, alam mo na ba ang trabaho ng personal assistant?" Kapagkuwan ay sabi nito sa kanya. "Opo, nakaalalay sa lahat ng bagay!" Walang ganang sagot ni Janina. "Mukhang labag sa kalooban mo, ah!" Puna namang wika ng binata. Biglang ngumiti si Janina nang matamis. "Hindi po, boss! Ang saya- saya ko nga, eh!" Sagot niya sabay ngiti. "Good! Timplahan mo ako nang coffee," utos nito sa kanya. "Ano!" Pasigaw na bulalas ni Janina. Napatingin naman sa kanya si Rayver. Muling naalala ni Janina na boss niya ito. Pinilit niyang ngumiti rito saka tumalima upang magtimpla ng kape. Lumabas siya ng opisina at hinanap kung saan magtitimpla ng kape. Nakita niya ang isang babae na nasa hallway. "Miss, pwedeng magtanong?" Tawag niya rito. Lumingon ang babae at ngumiti. "Ano 'yun? Mukhang bago ka rito?" Tanong din nito sa kanya. "Oo! Ako nga pala si Janina, itatanong ko lang sana kung saan ang coffee machine niyo rito?" Wika niya sabay shake hands sila ng babae. "Thalia is my name! Ikaw pala ang pumalit sa akin, anyway liliko ka lang diyan sa kanang pasilyo. Then, nandoon na malapit sa canteen entrance." Sagot nito sa kanya. Napangiti si Janina at nagpasalamat siya rito. Nagtungo na si Janina at nagpunta naman si Thalia sa opisina. Kumatok muna siya bago pumasok. Binati niya si Rayver na busy sa mga papeles. "Nakita mo na ba si, Janina?" Tanong ng binata sa kanya. "Opo, boss! Hinahanap niya ang coffee machine," sagot ni Thalia. Napangisi si Rayver sa narinig. "Do'nt tell her na, hindi ako nagkakape. She's quite amazing!" Turan ng binata. Nagulat naman si Thalia sa narinig. Subalit napangiti siya nang makahulugan. "From now on, ikaw na ang assistant ni Heyah. Hope, you work together! I'm looking to it, leave Janina to me." Bilin nito sa dalaga. "Understood, boss!" Sagot ni Thalia kahit labag sa kalooban niya. Mahabang panahon ding personal assistant siya nito. Ewan ba niya kung bakit pinagpalit sila ng Janinang baguhan. At isa pa, hindi sila magkasundo masyado ng Heyah na 'yun. "Okay, dissmiss!" Sabi ni Rayver sa dalaga at itinuon na niya ang kanyang pansin sa hawak na papel. Nagpaalam na si Thalia kay Rayver. Nakasalubong niya si Janina na may dalang kape. Napangisi na lamang si Thalia, natatawa siya sa bagong PA ng kanyang boss. Nagtaka naman si Janina nang lampasan lang siya ni Thalia. Nagkibit- balikat na lamang siya. Kumatok muna siya bago pumasok sa silid ni Rayver. Nakita niyang nagsusulat ito. "Heto na ang kape niyo, boss!" Untag niya rito. Nag- angat ng mukha si Rayver at ngumiti. Inabot niya ang kapeng dala ni Janina at tinikman. Ninamnam niya ito bago muling tumingin sa dalaga. "Masyadong matamis, gusto ko 'yung hindi masyado. Make it another one," turan nito nang matikman ang kape. Natigilan si Janina. "Ano?" Inis niyang tanong sa binata. "You heard me, make it another coffee." Ulit na sabi ni Rayver. Walang nagawa kundi sumunod si Janina. Padabog siyang naglakad at napasimangot. Bubulong- bulong siya at inis na inis. Take note, unang araw pa lang niya para nang isang taon sa pakiramdam niya. Gusto na nga niyang umurong at magturo na lang siya sa pagsasayaw. Doon, masaya siya hindi katulad sa planta na para siyang lanta.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD