DYING INSIDE TO HOLD YOU BOOK 3: RAYVER AND JANINA
DYING INSIDE TO HOLD YOU: BOOK 3
RAYVER & JANINA 1
Nagmamadali sa pagmamaneho ng kanyang sasakyan si Rayver. Galing siya ng rancho dahil naka- leave si Matthew. Pumunta kasi sila ni Tenten sa Paris para magpatuloy sa honeymoon nila. Regalo iyun ng kanilang Tita Cess.
Kaya ang siste ngayon, para siyang roller coaster na paikot- ikot. Magmula sa kanyang planta hanggang sa rancho. Panay na nga ang reklamo ng girlfriend niyang si April. Wala na kasi siyang oras dito.
Lihim naman siyang nasisiyahan, hindi namam siya apektado makita man niya ito o hindi. Naririndi lang siya kapag kasama niya ito, andaming eklabus sa buhay nito.
Paliko na sana siya nang biglang may tumawid. Sa taranta niya ay nagpreno siya nang todo. Napapikit siya at narinig niyang lumangitngit ang gulong ng kanyang kotse.
Napamura siya dahil sa kabang naramdaman niya. Agad siyang lumabas ng kanyang kotse para matingnan ang babae. Nakakunot- noo siyang lumapit dito.
"Hey! Are you okay?" Kaagad niyang tanong sa babae.
Napadapa ito at pinipilit bumangon.
"Nakita mo na nga akong sumubsob, tatanungin mo pa kung okay ako!" Mataray na sagot ng babae at tuluyan na itong nakatayo.
Pinagpag nito ang katawan at nakatungo kaya hindi niya makita ang mukha ng babae. Subalit parang pamilyar ito sa wari niya, hindi niya nga lang matandaan.
"Okay! I'm sorry! Nagmamadali kaso ako," hinging- paumanhin ni Rayver sa babae.
Humarap sa kanya ito at laking gulat niya nang makilala ang dalaga.
"Ikaw!" Magkasabay nilang bulalas.
Umirap ang babae at humalukipkip.
Napaingos naman si Rayver.
"Kung minamalas ka nga naman, oo!" Bulong nito sa sarili.
"Hoy! Ikaw ang malas sa akin, baka naman puwede mong tingnan kung right mo nga ang daan!" Mataray na namang sabi ng babae.
Napamulagat si Rayver sa sinabi ng babae at sinipat ang kanyang sasakyan.
Sakto naman ah! Ano bang pinagsasabi ng bad cheetah na 'to? Aniya sa sarili.
Saka muling tumingin kay Janina na nakairap pa rin sa kanya. Mahaba na nga ang nguso nito na ang mata ay parang holen na paikot- ikot. Napangisi naman si Rayver sa hitsura ng dalaga.
"Baka ikaw ang puwedeng tumingin sa direksyon mo, bad cheetah!" Pambubuska niyang sabi.
Tumaas naman ang kilay ni Janina.
"FYI, national road ito. Meaning, mag- ingat naman sa pagda- drive dahil hindi mo pag- aari ang daan." Turan nito na halos lumuwa na ang mga mata sa pagkakabigkas nito.
Si Rayver naman ang napataas ang kilay at matamang tinitigan si Janina.
"Alam mo, kakiba ka talaga! Kung abnormal ang kaibigan mo, isa kang henyong walang utak. In short, bad cheetah," nakangising wika nito sa dalaga.
Halos lumaki naman ang butas ng ilong ni Janina sa narinig mula kay Rayver.
Sa isang iglap ay tinuhog niya si Rayver sa gitnang bahagi ng kanyang mga binti. Umaringkingking naman nito sa sakit at napasigaw.
"You! What have you'd done, damn it!" Galit na sabi ng binata at tiningnan si Janina ng masama.
"Ito ang nagagawa ng isang bad cheetah, sa isang ampas na kagaya mo! Tinitiris, pinipitpit at gutay- gutayin!" Singhal ng dalaga.
Nanlaki ang mga mata ni Rayver sa narinig. Hindi siya makapaniwalang mas mabilis pa itong kumilos kaysa kay Tenten.
Napapikit siya at umayos nang tindig. Saka siya muling tumingin sa dalaga. Umiling- iling siya kapagkuwan.
"I can't imagine kung ano ang lahi niyo! Si Gracia, mahinhin, si Tenten amasona, ikaw naman, mandurugis ng kapwa!" Napapalatak na sabi nito.
Akma na naman sana siyang tuhugin ng dalaga subalit maagap siyang nakaiwas.
"I can't take this anymore! Well, have a good day bad cheetah!" Tugon ni Rayver at tinalikuran na niya si Janina.
Pasalamat ito at nagmamadali siya talaga. Kung hindi, aasarin niya ito hanggang sa susuko ang dalaga.
"Neknek mo! Magsam kayo ng Lolo mong panot!" Pasigaw na sagot ni Janina.
Nag- dirty finger naman si Rayver na mas lalong kinainis ni Janina.
"May araw ka rin kupal ka!" Hiyaw ng dalaga sabay belat kay Rayver.
"Hihintayin kita, baby!" Nakangiting sagot ng binata sabay flying kiss.
Nagngangalaiti naman si Janina at tumalikod na siya at naglakad na sa gilid ng kalsada.
Presko ang hinayupak! Bulong niya sa sarili.
Beep! Isang malakas na busina ang nagpagulat kay Janina. Napalundag siya at napamura. Nakita niyang anlawak ng ngiti ni Rayver saka siya kinindatan.
Kung nakakamatay ang masamang tingin ay kanina pa nakabulagta si Rayver.
"Masiraan ka sana!" Galit ma sigaw ng dalaga.
Kumaway lang ang binata at tuluyan na itong umalis. Naiwan naman si Janinang inis na inis kay Rayver. Bubulong- bulong siya habang naglalakad.
Kung hindi lang para sa kanyang ama, nungka siyang lalabas at pupuntahan ito. Sinabi niya kasing naghahanap ang amo nito ng Asst. Secretary sa planta nito.
Ayon sa kanyang ama, nahihirapan ngayon ang kanyang boss at secretary nito. Dahil, malaki ang kanilang pangangailangan ngayon, kaya pumayag siya. Mas malaki raw ang sasahurin niya kaysa sa pagiging dance instructor.
Masaya na sana eh! Nakita niya pa ang aroganteng Inocencio na 'yun!
Kaya ngayon, nasira na ang araw nito. Ngunit napapaisip siya kung saan pupunta ang damuhong na iyun?
Napailing siya at pilit kinalimutan ang nasa kanyang isipan. Ang importante ngayon, magtatrabaho siya ng mas may halaga. Huminga siya nang malalim at ngumiti ng pagkatamis.
May nakita siyang traysikel at pinara niya ito. Tinanong niya kung alam nito ang papuntang planta ng pamilyang Inocencio.
Sumagot naman itong alam niya. Nakipagsundo siya rito at nagpahatid na siya ro'n. Maya- maya pa ay ibinaba siya ng mamang driver sa harap ng napakalaking bahay.
Parang katulad ng Villa nila. Subalit sa tagiliran nito ay planta. Napakalawak na lupain, natatamnan ng iba't- ibang pananim. Napakagandang tanawin, maaliwalas at masarap ang simoy ng hangin.
"Anak!" Tawag ng kanyang Itay na kasalukuyang lumalabas ng malaking gate.
May apat na guwardiya, dalawa sa labas at dalawa sa loob. Feeling niya tuloy, isa itong palasyo.
Agad niyang niyakap ang kanyang ama. Pagkatapos ay nagmano siya rito.
"Buti, nahanap mo ang planta!" Sabi ng kanyang Itay.
"Ako pa ba, Itay? Easy lang sa akin 'yan!" Pagmamayabang niyang sagot.
Tumawa ang matanda at inakay na ang anak, papunta sa loob.
Nginitian niya ang apat na guwardiya saka tuluyang pumasok. Napatingin ang dalaga sa buong paligid at sa bahay.
"Ang swerte mo naman, Itay! Maayos ang tirahan niyo, mabait din siguro ang inyong amo." Bulalas ni Janina.
Ngumiti ang matanda at inakbayan niya ang anak.
"Oo naman! Siyanga pala anak, hinihintay ka na pala ni boss." Masayang wika nito sa kanya.
"Talaga po? Naku! Excited na akong magtrabaho po rito!" Nakangiting sagot ni Janina.
"Tara na, anak! Ihahatid kita sa office niya, babalik na rin ako sa aking trabaho. Pinaantay ka lang niya sa akin para hindi ka raw, maligaw." Tugon ng kanyang ama at tuluyan na silang pumasok sa loob.
Namamangha talaga si Janina sa laki ng planta pati ang mansion nito, ay hindi Villa na rin kung titingnan. Napakatamis ng kanyang ngiti sapagkat lagi na rin niyang makakasama ang kanyang ama.
Huminto sila sa pinakamalaking kwarto sa gitna. Tinitigan siya ng kanyang ama at muli siyang pinagmasdan.
"Galingan mo anak, saka kilos babae ka dapat. Lagi mong tandaan, boss natin 'yun!" Paalala ng kanyang ama.
Masaya naman siyang tumango.
Nagpaalam na ang kanyang ama at siya naman ay kumatok na rin sa pintuan.