Nine

1113 Words
Chapter Nine Huminga ako nang malalim bago sinipat ang target gamit ang sniper rifle na paborito kong gamitin. Ilang araw ko na ba itong ginagawa? Sa ilang araw na iyon ilan na rin ba ang naitumba ko? Masyado nga talagang maraming kaaway ang lalaki. Pero dahil ang secretary nito ang alam ng lahat na Kristof De Lucca ay ito ang palaging hinahabol ni kamatayan. "Target spotted." Anas ko. Nasa kabilang linya lang si Tori. Para tulungan ako. "Handa na ang maglilinis, sabihin mo lang kapag tapos ka na." Nasa ikatlong gusali ang target, tulad ko ay nasa rooftop din ito at in-a-assemble ang gamit nito. Mabilis lang nitong naiayos iyon, kaya naman nang pumwesto ito ay mabilis ko nang itinumba. Walang pag-aalinlangan na kinalabit ko ang gatilyo. Head shot! "Linis na, Tori!" "Okay!" ani ng babae sa kabilang linya saka ko pinutol ang tawag. Mabilis na inayos ang mga gamit ko at inilagay sa bag saka umalis na parang walang nangyari. Nakasalubong ko ang isa sa girls saka pasimpleng iniabot iyon sa kanya. Pumasok ako sa isang banyo at mabilis na hinubad ang damit ko at iniabot sa babaeng naghihintay na roon. Isinuot ko naman ang damit na tiyak kong suot nito kaninang pumasok dito. Manipulated na ang cctv pero maganda na 'yong nag-iingat. Nauna akong lumabas na suot ang kulay puting bistida na bulaklakin. Dumadampi sa aking makurbang katawan ang malambot na tela. Hindi man ako komportable ay kailangan kong maging komportable dahil kasama ang ganitong klase ng damit sa misyon ko. Ang laki nang pinagbago nang pananamit ko. Lumulan ako sa sasakyan na naghihintay sa akin paglabas ko ng gusali. Walang idea ang taong ito na katatapos ko lang pumatay. "Kris!" ngiting-ngiti na ani ko rito. Pinagbuksan ako nito ng pinto. Pero bago ako sumakay ay mabilis ko muling inilapat ang labi ko sa kanyang labi, saka nakangising sumakay sa passenger seat. Nang sulyapan ko si Kris ay tulala pa. "Let's go na?" nakangising ani ko rito. "Damn!" mabilis nitong isinara ang pinto saka nagmamadaling umikot at sumakay sa passenger seat. "Ime-meet natin ang Papa mo ngayon." Kunwari'y natigilan ako, lumarawan ang takot sa aking mukha dahil sa sinabi nito. Napahawak pa ang sa legs nito at ipinakita ang expression na kabado. "Wala kang dapat na ikatakot. Papa mo lang ang naroon." Tumango-tango naman ako saka ibinaling ang tingin sa bintana ng sasakyan. "Nasaan si M?" tanong ko na tinutukoy ang secretary nito. "Nasa office, working his ass…" napangisi ako sa sinabi nito. Nang marating namin ang Masters ay pinagbuksan ako nito nang pinto saka kami sabay na pumasok sa entrance. Pasimpleng umakbay ito sa akin. Hindi naman ako nagkomento. "Nasa private room s'ya." Bulong nito sa bandang tenga ko. Pakiramdam ko ay nagtayuan ang buhok ko sa katawan sa bahagyang pagdikit ng labi nito sa tenga ko. "P-untahan na natin." Ani ko, gusto kong tawanan ang sarili ko. Nautal pala talaga ako. Kumatok lang si Kris saka marahang pinihit ang door knob ng VIP room. Saka binuksan iyon nang malaki at bahagya akong hinila papasok. Agad na nagtama ang tingin naming dalawa, nang taong prenteng nakaupo roon. Ang laki nang tinanda nito. Hindi nito naitago ang shock habang titig na titig sa akin na ngayon ay nagsimula na naman ang pag-arte. Naguguluhan ang aking expression. Kumapit ako nang mahigpit sa palad ni Kris. Bahagya naman n'yang pinisil ang kamay ko saka iginiya palapit sa table. "Good morning, Mr. Smith." Ani ni Kris sa Papa ko. "You are?" seryosong ani ng matanda sa akin. "She's Maria Isaia Miller." "W-hat?" "Wala s'yang maalala pero tiyak kong ikaw meron." Ani ni Kris sa aking ama na ngayon ay titig na titig sa akin. "M-aria Isaia?" "Pero kung hindi mo s'ya kilala, iaalis ko na lang s'ya para makapag-meeting na tayong dalawa." "No! She's my daughter!" mabilis na ani nito saka tumayo at mabilis na lumapit sa akin at mahigpit akong niyakap. "My God, akala ko patay ka na. Anak ko…" hindi ito ang inasahan kong eksena. Akala ko itatangi nito na anak n'ya ako. Akala ko mas pipiliin nitong itikom ang bibig dahil tiyak na ang pagsulpot ko sa buhay nito ay panibagong gulo at ikasisira ng buhay nito kasama sina Ninang at Cindy. "A-nak, si Papa ito. Hindi mo ba naaalala ang Papa mo?" luhaang ani ni Papa sa akin. Binalot nang mainit na bagay ang puso ko. 'Yong lahat ng galit at tampo ko rito ay parang nawala, parang naitapon ko na lang basta saka ako tumugon nang mahigpit na yakap dito. "P-apa ko…" humagulgol ako nang iyak sa bisig nito."P-apa…" Bahagya s'yang lumayo saka sinapo ang pisngi ko ng dalawang palad nito. "Kamukhang-kamukha mo ang Mama mo. Napakaganda mo anak ko." "Let's talk now." Ani ni Kris na pumukaw sa aming mag-ama. Inabutan ako ni Kris ng panyo n'ya. Kaya naman tinanggap ko iyon at nagpahid ng luha. Si Papa naman ay naglabas ng panyo n'ya at nagpunas din ng luha n'ya. Sinenyasan ako ni Kris na umupo sa hinila nitong upuan para sa akin. Umupo naman ako roon, bumalik si Papa sa kinauupuan n'ya saka naman tumabi sa akin si Kris. Sa ilalim ng mesa ay ginagap nito ang palad ko, na hindi ko namalayan nanginginig na pala. "Hijo, akala ko ba ay may meeting kami ng boss mo. Nasaan na s'ya? Paanong nangyari na magkasama kayo nang nawawala kong anak?" tanong ni Papa sa lalaki. "May biglaang appointment si Boss na kailangan unahin. Matagal ko nang gustong sabihin sa 'yo ang tungkol kay Isaia. Ampon s'ya ni Mr. Brendon Miller." "Anak ko s'ya." Mariing ani ni Papa. "Well, iiwan ko muna kayo para makapag-usap. Babalik ako later." Bahagyang pinisil ni Kris ang kamay ko. Mabilis naman akong tumango rito. Nang maiwan kaming dalawa ni Papa agad itong lumipat ng upuan at ginagap ang kamay ko. "What happened? Bakit ang tagal mong nawala? Akala ko patay ka na?" umiiyak na naman s'ya ngayon. Napayuko ako, kailangan ko nang galingan ang pag-arte ko. Kahabag-habag na kwento mas panalo. "Na-kidnap po ako. Humihingi ako nang tulong kay Ninang pero hindi n'ya ako tinulungan, tinatawag ko s'ya pero pinanood lang n'ya ako habang nakangiti. Dinala ako ng mga kidnappers sa isang syndicate. Inutusan kami at tinuruan doon na mamalimos at magnakaw. Kapag walang naibigay sa kanila ay sinasaktan kami, muntik din po akong halayin kaya nakatakas ako. Tinulungan ako ni Daddy Brendon Miller na magkaroon ng buhay na ligtas malayo sa magulong mundo ng syndicate." Iyak nang iyak na kwento ko rito. Kinabig ako nito at mahigpit na niyakap. "I'm sorry, I'm sorry. Kasalanan ko kung bakit naranasan mo 'yan. I'm sorry, anak ko."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD