Chapter Ten
"Sumama ka sa akin." Ani ni Papa pero mabilis na hinawakan ni Kris ang kamay ko. Shuta itong dalawang ito. Anong tingin nila sa akin? Tali sa tug of war para paghilaan nila?
"No, Mr. Smith. Nangako ako kay Isaia na mananatili s'ya sa akin."
"Pero hijo, anak ko s'ya."
"Sasama po ako sa kanya, Papa. Hindi ko po alam kung ligtas ba ako sa family mo." Lumarawan ang lungkot sa mukha ni Papa. Kung pwede lang akong pumalakpak ay ginawa ko na. Ibang klase rin talaga ang taong ito.
Ano kaya ang tumatakbo sa isip nito? Iniisip ba nito na patayin na ako kapag umuwi ako sa mansion para mas maging malaya na sila? Iyon lang naman ang hinihintay yata nila para tuluyang makamkam ang lahat. Pero dahil nagparamdam na ako sa kanila. Titiyakin kong ito na ang simula.
"I can protect you, anak."
"Pero mas kaya ko s'yang protektahan." Ani ni Kris.
"Stop it, sino ka lang ba?" nagulat pa ako sa pagsigaw ni Papa kay Kris.
"E-nough…" takot na ani ko."Pupunta po ako sa bahay. Mag-uusap tayo nila Ninang at Cindy roon." Ani ko sa ama saka hinila na si Kris palabas ng restaurant. Nang makalabas na, bahagya akong tumawa.
"That's so epic!" ani ko. Napalo ko pa si Kris na shock ang lumarawan sa mukha dahil sa biglang pagtawa ko.
"Sa tingin mo makakalimutan ko na pinabayaan n'ya ako? Of course not. After all, s'ya ang may kasalanan kung bakit kailangan kong maranasan 'yong mga masasamang nakaraan ko." Ani ko rito saka hinila na ito palabas ng restaurant.
Nang marating namin ang sasakyan nito ay agad akong pinagbuksan ng pinto sa passenger seat. Saka sinuutan ako ng seatbelt saka nito isinara ang pinto. Pagkatapos ay dali-daling sumakay sa driver seat.
"Uuwi na muna tayo." Nagkibitbalikat lang ako saka sinulyapan ito.
"Iuuwi mo na ako?" mapanuksong tanong ko rito.
"Tsk, napakahirap mong basahin. From innocent girl to a very feisty woman."
"I can do anything or everything, try me." Nakangising ani ko rito.
"Let's go then." Nakangising ani nito."Habang nakikipaglaro si M sa kapatid mo---"
"That's disgusting, wala akong kapatid na mukhang t*ti." Napasinghap si Kris sa narinig sa akin. Buti na lang talaga wala si Lady A sa tabi ko. Baka tutukan na ako nito ng baril sa ulo sa katigasan ng ulo ko.
Hindi talaga ako sanay sa mga misyong seryoso tulad nito. Ilang ulit na nga ba akong nasuspinde dahil lang hindi ako sumunod sa rules? But still, patuloy akong lumiliko ng landas.
Para naman kasi sa akin, hanggat wala akong nasasagasaan push lang.
"To hard to read." Reklamo nito. Tumawa lang ako saka nanahimik na.
"CINDY, WHERE HAVE YOU BEEN? Kanina pa kita tinatawagan pero hindi mo sinasagot at tawag ko sa 'yo."
"I'm tired, Mom." Mataray na ani nito sa akin. Humugot ako nang malalim na hininga.
"Tumawag ang Papa mo. Galit na galit, gusto raw n'yang mag-usap kami. I don't know kung ano ang kasalanan ko para sabihin n'ya 'yon sa akin."
"Mom, I'm tired. Let's talk later." Tumalikod na ito. Tinatawag ko ito pero hindi n'ya ako pinansin pa.
Kaya mabilis akong humabol dito.
"Tungkol daw kay Isaia ang pag-uusapan namin." Napahinto ito na waring magic word ang pangalang binangit ko.
"What? No… ano pa bang pag-uusapan n'yo sa babaeng patay na? Mag-isip ka nga, Mom."
"Galit na galit ang Daddy mo. Paano kung malaman n'yang pinabayaan ko si Isaia na kunin ng mga kidnappers? Paano kung malaman n'yang nakakulong sa mental institution ang Mama ni Isaia? Anong mangyayari sa atin, Anak? Pupulutin tayo sa putikan." Umiiyak nang ani ko dahil sa labis na nerbyos.
"Of course not, anak ako ni Daddy. Baka ikaw lang," tumawa pa ito na waring tuwang-tuwa. Kaya naman itinigil ko na ang pag-iyak saka deretso itong tinignan.
"Kung mapunta man ako sa putikan, tiyak kong ikaw rin. Kaya galingan mo ang pagbukaka sa Kristof De Lucca na 'yan. Kailangan maging asawa mo na s'ya."
"Whatever, Mom." Tumawa pa ito kaya mas lalo akong nakaramdam ng inis. Kampanteng-kampante ito. Hindi nito alam kung gaano kalaki ang posibleng magbago kung ano man ang sabihin ni Ullysis.
Hindi nagtagal, dumating ang asawa ko. Hindi ko mabasa ang expression ng mukha nito. Pero nagulat ako nang malakas na tumama sa pisngi ko ang palad nito.
"You said she's dead. You said my daughter…f*ck you!" frustrated na ani nito. Napatili pa ako nang bumagsak ang vase na tinabig nito dahilan para mabasag 'yon.
"What's wrong with you?"
"Buhay ang anak ko. Buhay si Isaia."
"Bakit parang galit ka? 'Di ba, dapat maging masaya tayo?" ani ko rito.
"Ako lang, ako lang ang masaya hindi ikaw. Babalik dito ang anak ko. Ipaayos mo ang lahat sa kanyang pagbabalik."
"Dad?" takang ani ni Cindy saka mabilis na tumakbo at yumakap sa Daddy n'ya.
"Ipalipat mo ng kwarto si Cindy. Gagamitin ni Isaia ang dati n'yang kwarto."
"But that's my room, Daddy."
"No, that's not your room. Ayusin n'yo at tiyakin n'yong magiging maayos ang pagbabalik ng anak ko rito." Seryosong ani nito saka iniwan kami ni Cindy na hindi alam kung ano ang dapat na maging reaction.