Twenty

881 Words
Chapter Twenty "Hindi mo makukuha ang lahat ng yaman na para sa 'yo dahil hindi naman si Kristof De Lucca ang napangasawa mo. Kung hindi ka nagpadalos-dalos, sana hindi ka magkakaproblema ng ganito." Problemadong ani ni Papa. Ngayon lang kami nito nagkaroon ng time para makapag-usap. "Kahit ang property ni Mama?" bahagyang umangat ang kilay na ani ko rito. "Alam mong sa akin na ang yamang iyon. Nakipagkasundo rin ako na kung hindi si Kristof ang mapapangasawa mo ay wala kang makukuha sa akin." Ani nito. "Kanino mo balak ibigay ang yaman mo? Sa ampon mo?" tanong ko rito na bahagyang ngumisi at sumandal sa upuan. "Hindi ka pa rin naka move on d'yan? Kapatid mo si Cindy. Anak namin s'ya ng ninang mo." Ani nito na waring pagod na sa ganoong usapan. "Sinubukan mo man lang bang ipa-DNA si Cindy?" "Yes, I did. Hindi ako tanga na bigla na lang hihiwalayan ang mama kung hindi ko na tiyak na anak ko nga s'ya." "Akala ko ba si Mama ang umalis?" natigilan ito saka bumuntonghininga. "Umalis nga s'ya. Sumama sa ibang lalaki, doon na rin namatay. Hindi mo rin ako masisisi na mahulog ang loob sa Ninang Haja mo. S'ya 'yong kasama ko noong sobrang sakit na ng ginagawa ng Mama mo sa akin." Huminga ako nang malalim. Nagpipigil nang tawa dahil parang isang malaking joke ang kasinungaling ng aking ama. "Tiyak ka ba na wala na si Mama? Patay na s'ya?" "Yes, tiyak na tiyak ako." Ani nito. Tumango-tango naman ako rito. Saka dinampot ang dala kong folder at ibinigay rito. "What is this?" takang tanong nito. "A DNA test." Ani ko na ngumisi pa rito. "W-hat? Para kanino?" " Sa akin at kay Cindy, sa 'yo at kay Cindy." Unti-unting nagsalubong ang kilay nito na waring nag-aalangan pang buksan iyon."Open it, Papa. Tuklasin mo kung gaano ka nagpalinlang sa taong akala mo ay tunay ang dahilan nang paglapit sa 'yo. Tignan mo kung gaano ka katanga na sirain ang pamilya natin para lang sa mga taong hindi mo naman kadugo." Hindi ko na kaya pang itago ang galit na nararamdaman ko. "Tignan mo, pinili mong gawing impyerno ang buhay ko para sa ibang tao." Nagtatangis ang kaloobang ani ko rito. Dahan-dahang binuksan nito ang folder. Lumarawan ang shock sa mukha nito sabay umiling nang umiling. "Plano nilang kunin ang lahat ng mayroon tayo, Papa. Hahayaang mo na lang bang iba ang makinabang nang pinaghirapan n'yo ni Mama?" seryosong ani ko rito. Napangisi ako nang mariin ang ginawa nitong pag-iling. Gotcha! Mas magaling sa manipulation si Barbara, pero natutuna naman ako rito. Nakita ko na lang itong abala nang nakikipag-usap sa bangko upang i-close ang mga card nila Ninang at Cindy. Pati sa abogado nito ay nakipag-ugnayan na rin ito. "May isa pa nga pala, this one." Inilapag ko iyon sa harap nito. "What is this?" ngumisi lang ako. Gusto kong ito mismo ang makakita ng laman no'n. "What the heck is this?" hindi makapaniwalang ani nito. Kukunin ko ang loob ng ama ko, hanggat wala sa pangalan ko ang lahat ng ari-arian ng pamilya ko sa pangalan ko ay lalaruin ko muna si Papa sa kamay ko. Kapag nakuha ko na ang lahat ng gusto ko, saka ko s'ya pagtutuunan nang pansin. "Kasal na ako kay Kristof De Lucca, Papa. Ang lalaki na isinama ko sa mansion ay ang lalaking pinapangarap n'yong maging member ng family natin." "Nagbibiro ka ba, Hija? Hindi magandang biro 'yan." Ani nito. Nagkibitbalikat lang naman ako."Are you really sure about this?" ani nito. "Yeah! Asawa ko si Kristof De Lucca. Magkakaroon ng board meeting sa company nila. Kailangan dumalo ka para masaksihan mo kung paano bawiin ng asawa ko ang company ng kanyang ama." "Hija, malabong mabawi pa ni Kris ang company. Mas malaki pa rin ang porsyento ng relatives n'ya kay sa sa kanya." Ani nito na waring nawalan nang pag-asa. "Kinausap ako ni Miss Agatha Lorraine. Willing s'yang ibenta sa akin ang shares n'ya. Dahil mag-asawa kami ni Kris, pwede naming pagsamahin ang shares namin. Ibigay mo na sa pangalan ko ang dapat sa akin, Papa. Sa akin lang gustong ibenta ni Agatha Lorraine ang shares n'ya. Hindi ako malulugi roon." Pangungumbinsi ko pa rito. Waring nag-iisip pa ito. Pero mabilis itong tumango. "Gusto kong makausap si Kristof De Lucca. Bakit kailangan n'yang lokohin ang mga tao sa katauhan n'ya?" "Para protektahan ang sarili n'ya. Iyon lang naman ang rason." Ani ko rito. Waring nakumbinsi naman ito sa simpleng dahilan ko. "Mas malaki ang advantage natin dito, Papa. Nasa panig natin ang asawa ko." "Mag-uusap kami ng abogado ko. Kailan ang board meeting?" tanong nito. Unti-unting sumilay ang ngiti sa labi ko. "Sa lunes na po." "Asahan mong nasa pangalan mo na ang lahat sa lalong madaling panahon." Ani nito na ikinatango ko. "Thank you, Papa." Ani ko rito. Ano na lang kaya ang sasabihin nito kapag nalaman nitong sinasaid ko na ang yamang mayroon ito? Baka nga kamuhian ako nito oras na malaman nitong lahat ng properties nito ay kukunin ko na rin. Nang lisanin ko ang office nito ay malawak ang ngisi ko. Baka nagwawala na rin si Ninang Haja and Cindy sa labis na galit. Tama lang sa kanila 'yon. Magdurusa sila sa lahat ng kasalanan nila sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD