Twenty-one

938 Words
Chapter Twenty-one "Ninang Haja, here po." Magalang na ani ko sa babae. Inabutan ko ito ng juice. Kanina pa nito pinanonood ang kilos ko. Mukhang wala pang idea ang babaeng ito na wala na itong maiwawaldas na pera. "Thanks, dear." Napangisi ako nang inumin nito iyon na parang nauuhaw. Nasabi ko na ba? Ilang araw ko na itong pinaiinom ng juice, wala pa rin itong kaide-idea sa ginagawa ko. "Mukhang napapadalas ang alis ninyo ng ama mo." Puna nito. Bahagya naman akong ngumiti. "Busy po kami ni Papa sa pag-transfer ng yaman namin sa pangalan ko." "WHAT?" gulat na ani nito. Nabitawan pa ang baso dahilan para mabasag iyon. Nanginginig ang kamay nito at bahagyang napasapo sa dibdib. Napansin kong papasok na ng sala si Cindy kaya naman mabilis akong lumapit sa ginang. "Ninang? Are you okay?" kunwari'y alalang-alala na ani ko rito. "Mommy?" tawag ni Cindy sa kanyang ina. Parang biglang walang narinig ang ginang. Parang tuliro na magandang senyales para sa akin. "Anong ginawa mo?" gulat na ani ni Cindy. Saka bahagyang tinapik ang pisngi ng ginang. "Wala akong ginagawang masama. Nagkwekwentuhan lang kami tapos bigla n'yang na basag ang baso." Mabilis kong dahilan dito. Gusto kong matawa pero pinigil ko ang sarili ko. Lalo't may kalakasan na ang ginawa nitong tapik sa pisngi ng ina. Parang sampal na nga iyon para matauhan s'ya. "What is wrong with you?" takang ani ni Cindy. Parang ngayon lang na recognize ni Ninang Haja si Cindy. "W-hat happened?" takang ani ng ginang. Nagkibitbalikat lang ako saka umupong muli sa couch. "Ninang, are you okay? Mukhang ang aga naman lumabas ng mga sign na matanda na si Ninang Haja." Biro ko kay Cindy. "Don't say that! Bata pa ako. Bata pa!" nagulat ako sa biglang sigaw nito sabay walkout. Natawa na lang ako. Kung sila nagawa nilang baliwin ang aking ina, pwes, ganoon din ang gagawin ko. Makikita nila kung paano magsu-suffer ang babaeng 'yon. Babaliwin ko s'ya ng hindi nila napapansin. "Manang, pakilinis po ng kalat ng matanda." Biro ko sa kasambahay. Wala na rin naman si Cindy dahil sumunod agad ito sa ina. Tumango naman ang kasambahay at dali-daling kumuha nang panglinis. Mukhang maganda talaga 'yong bagong gamot na nagawa ni Tatti. As always, maaasahan talaga ito. Binaliw nila ang nanay ko, it's payback time. "Tori, possible bang makagawa ka ng illusion na multo or something?" ka-video call ko ito. Nasa pool area ako. "Nakalas na naman ba ang utak mo?" tanong nito sa akin. "Hindi pa naman, last time I checked, intact pa naman." Sabi ko rito na ikinailing nito. "Hologram, bet mo?" tanong nito. "Pwede ko bang mahiram?" tanong ko rito. "Oo naman." "NAPAPAANO KA BA, MOMMY? NAPA-PARANOID KA." Inis na ani ni Cindy sa ina. Napapanood at naririnig ko sila dahil sa device na sinet-up ko sa silid ng ginang. "Hindi ko alam. Tinanong ko ang Daddy mo, wala naman daw paglilipat ng properties na nangyayari." "Bakit mo naisip 'yan? Malabo naman kasi talaga. Tiyak na hihingiin ni Daddy ang opinion natin sa bagay na ito." Ani nito na pinapakalma ang ina. Kinausap ko si Papa na huwag na munang sabihin kay Ninang Haja and Cindy ang kilos na ginagawa namin nito. Pero habang abala kami, hindi ko pa rin nakalimutan na may kasalanan ang mag-inang ito sa akin at sa Mama ko. "Relax ka na, okay? Dahil kung hindi dadalhin na kita sa doctor." "Y-eah! Ayos na ako." Naka set up na ang device sa labas ng bintana ng silid. Once na pinatay na ni Ninang Haja ang ilaw ay magsisimula na kami sa laro naming dalawa. Tulog na si Kris sa kama namin, habang ako ay narito pa sa balcony ng silid at tutok na tutok ang tingin sa monitor ng laptop ko. NAPAKISLOT AKO NANG MAPANSIN KO ang pagpatay-sindi ng ilaw. "Cindy?" tawag ko sa aking anak pero malabong marinig pa ako nito. Bumalik iyon sa ayos nang bumukas ang pinto sa banyo at lumabas ang aking asawa. "Bakit hindi ka pa nagpahinga?" takang tanong nito. "I'm so scared kasi." Ani ko rito. But as expected, balewala rito ang sinabi ko. "Matulog ka na." Utos nito saka pumasok sa walk-in closet. Napasabunot ako sa buhok ko ng parang may kakaibang tunog akong naririnig. Tinatawag ko ang asawa ko ngunit waring hindi ako nito naririnig. Sobrang sakit ng ulo ko nang mag-angat nang tingin. Ngunit isang babae ang nakita kong nakatayo sa labas ng bintana. "A-hhhhh…" malakas kong tili. Takot na takot. Walang tigil ang pagpatak ng luha bang nakatitig sa babaeng pamilyar na pamilyar sa akin. Matalim ang tingin nito. Nakaputing dami ito, magulo ang buhok. Ang hawak nitong doll ay nasa bisig nito. "Honnnnnn!" takot na tawag ko sa lalaki. Parang maiihi pa sa takot. Tarantang lumabas ang asawa ko at sumampa sa kama. "Ano bang problema mo?" galit nitong tanong. "M-ulto…" nanginginig na ani ko sabay turo sa bintana."Multoooooo." Nanginginig na hiyaw ko rito. Nang lumingon si Ullysis ay napapantastikahang tumingin ito sa akin. "Nababaliw ka na ba? Nakalas na ba nang tuluyan ang turnilyo sa utak mo?" sigaw nito na itinulak pa ako sa labis na inis. Hindi ito naniniwala. Dahil nang lumingon ito ay wala na ito roon. "Maniwala ka sa akin, nakita ko talaga. Maniwalaaaaa ka!" sigaw ko saka sumiksik sa gilid ng kama. "Baliw ka na, Haja! Tsk!" inis na umalis ito kaya mabilis akong gumpang pasunod. Pero sa pagmamadali ay nahulog ako at tumama ang siko sa sahig. "Damn! Stupid." Sigaw nito saka ako binalikan at inalalayang makaupo sa kama. "'Wag mo akong iwan. Baka bumalik 'yong multo." Pagmamakaawa ko rito.

Read on the App

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD