MACY COLLIEN “Puwede ba umupo ka na lang. Ako itong nahihirapan sa ‘yo.” saad sa akin ni Mr. Ampalaya. “Ayaw ko nga, hindi talaga ako mapakali. Hindi ko maintindihan kung bakit pumayag si inay na dito ako sa ‘yo titira.” sabi ko sa kanya kahit na paika-ika akong maglakad. “Pumayag siya kahit tawagan mo pa.” sabi niya sa akin. Dahil sa sinabi niya ay kinuha ko ang phone ko. Mabilis kong dinial ang numero ni inay. Hanggang sa sinagot na niya ito. “Hello, anak. Napatawag ka, nasa Cebu kana ba?” tanong niya sa akin. “Cebu?” mahina na tanong ko kay Michael. Tumawa lang siya at sabay alis sa harapan ko. Siraulo talaga siya dahil nagugulat na lang ako. “A-Opo, inay.” sagot ko sa kanya. “Mabuti naman kung ganun. Ang boss mo talaga ang personal na pumunta dito kanina sa bahay. Sinabi niya