Chapter 4

1197 Words
NAGISING siya sa sunod sunod na doorbell ng unit niya, bumangon siya at inaantok pa talaga siya dahil medyo sumakit din ang ulo niya. pa suray suray siyang binuksan ang pinto at unti unting nanlaki ang mata niya ng makita kung sino ang nasa harap niya. "surprise!!!!" "genevieve...." saad niya, hindi siya makapaniwala na nasa harapan na niya ngayon ang pinaka close na pinsan niya bukod kay klein. "gen!!!!" sigaw niya, tumalon siya dito at niyakap. "shh, pumasok muna tayo sa loob" mabilis silang pumasok sa loob ng unit niya at tsaka niya niyakap ulit ito. "kelan ka pa dumating? kamusta na? omg!! i'm so happy.." niyakap niya ulit ito. "last week pero busy ako dahil may ginagawa akong gown pero ngayon tapos na kaya nakapunta na ko sayo dito.. " sa paris kasi ito nag college at pinursue ang fashion designing, naging successfull naman ito at sobrang saya niya para dito. " after 10 years andito ka na ulit sa pilipinas.. mag bubukas ka ba ng boutique dito? " mabilis itong tumango, umupo naman sila sa sofa. " im back for good.. " malawak ang ngiti nito, kaya napangiti na din siya. masaya siyang masaya ito. mas bata ito sakaniya ng isang taon pero ang turingan nila parang mag kasing edad lang talaga. " kamusta ka naman? may boyfriend ka na ba? " natatawang sambit nito, umiling naman siya. " you know luis? highschool school mate.. well ilang taon ko siyang naging crush at dalawang taon siyang nakipaglandian saakin! tapos sasabihin niya ayaw niya na daw-- hay nako,, mahabang istorya at ayaw ko na maalala pa " she sigh. " okay okay, uhmmm " naitaas niya ang kilay niya ng parang may gusto ito sabihin. "uhmm.. actually, i'm back for good because of... felix " natigilan naman siya sa sinabi nito. "ano ulit yon?" pagtatanong niya. " bumalik ako para kay felix, i'm still... inlove with him " parang nabilaukan naman siya, hindi niya alam kung bakit pero bigla siyang nailang pag usapan si felix. "sampung taon na kayong hiwalay... well ayaw lang kitang masaktan.." ngumiti naman ito sakaniya. " malalaman natin yan kung masasaktan ba ako o hindi " biro nito sakaniya, natahimik naman siya. alam naman niyang one woman- man si felix. nasaksihan niya na kung paano nito mahalin si gen. pero dati pa yun, highschool pa lang sila.. hindi siya makapaniwala na mahal parin ng pinsan niya si felix. "hey.. natahimik ka.. okay ka lang ba? teka uminom ka kagabi no?" natatawang tanong nito, ngumiti naman siya ng tipid at tumango. "oo, medyo masakit lang ulo ko sorry" " okay lang, sige na mag ayos ka na muna hintayin kita dito manonood muna ako ng netflix alam kong dalawang oras ka pa matatapos " pang aasar nito sakaniya. tumango nalang siya at dumeretso sa kwarto niya, pagkasara niya ng pinto napahawak siya sa dibdib niya. hindi niya alam kung bakit parang kumikirot iyon. hays,, dahil ba sa hangover to? hindi naman ako lasing na lasing kagabi ah... pumasok na siya sa cr at ginawa ang routine niya, isang oras lang siya sa pagliligo dahil ayaw naman niya mag hantay ng sobrang tagal si genevieve. nang na i blower na niya ang buhok niya pumasok siya sa walk in closet niya at kumuha ng wide jeans na high waist at tinernohan ito ng white strap croptop na sleeveless. sinuot niya din ang open shoe heels na white. alam niya kasi gagala sila dahil mahilig mag tingin tingin ng mga design ito. " let's go, alam kong gagala tayo " tumawa ito sakaniya. " kilalang kilala mo talaga ako " gen gave her a wink. nag ayos din ito bago sila lumabas napatingin naman siya sa katapat na unit, feeling naman niya umuwi na ito sa mas malaking bahay nito. bumaba sila sa parking lot dahil may dala itong kotse, mas okay na din iyon dahil tinatamad din siyang mag drive. dumeretso sila sa malaking mall, napag alaman niya kasing doon mag tatayo ng boutique si gen kaya bibisitahin na din nila ang pag aayos ng boutique niya. nag vibrate ang cellphone niya kaya kinuha niya ito at binasa ang mensahe. from ugok: - where's my jacket? to ugok: - tinapon ko na sa basurahan. napangisi siya bago isend ang message niya. "you're smilling like an idiot mandy, sabi mo wala kang boyfriend!" pinark nito ang sasakyan. "wala naman talaga may nakita lang akong nakakatawa sa f*******:" sambit nalang niya. bumaba sila ng kotse at dumeretso sa loob ng mall. nag libot lang sila at nag tingin tingin ng mga branded bags, shoes at kung ano ano pa. natigil siya sila sa isang tapat ng jewelry store napukaw ang tingin niya sa isang magandang kwintas. couple necklace iyon dahil dalawa, sun and moon ang pendant. napakaganda at napaka simple ng pagkaka design noon kaya hindi niya maalis ang paningin doon. "cr lang ako, wait diyaan ka lang" tinanguan niya si gen at siya naman tinitigan ang kwintas. iniisip niya kung bibilhin niya ba, pero kasi panlalaki ang sun at yung moon ay pang babae. " it's beautiful... " napatalong siya sa gulat ng may mag salita sa tabi niya. nanlaki ang mata niya ng si felix ito. "a-anong ginagawa mo dito?!" tinaas nito ang paper bag na mga pinamili at sa isa naman may lamang prutas. " you want that necklace? " inirapan niya ito. "hindi no! umalis ka na nga.." "Asaan ang jacket ko?" napabuga naman siya ng hangin. " diba sabi ko tinapon ko na! " " give me back my jack--- " "felix..." sabay silang napalingon sa likod niya. napapikit siya ng madiin dahil saktong lumabas naman si genevieve galing sa cr. binalingan niya ng tingin si felix at nakita niyang nakatingin ito ng maigi kay gen. "genevieve..." napangisi naman siya, hindi niya alam kung bakit bigla siyang nairita. nawalan siya ng sa mood mag shopping. "andito ka pala" mahinhin na sambit nito. lumapit sa tabi niya si gen at sinukbit ang kamay niya sa braso niya. ganitong ganito to pag nahihiya lalo na pag kasama siya didikit ito ng husto sakaniya. "you're back.." "uh.. o-oo, kamusta ka na?" napaikot ang mata niya, ayaw niya sa ganitong eksena na buburyo siya. marahan niyang tinanggal ang kamay ni gen sa braso niya. "i'm good... now give me back my jacket" nanlaki naman ang mata niya ng binalingan siya nito na parang wala lang... hindi man lang nito kinamusta ang pinsan niya. " ang kulit mo talaga! " singhal niya dito. " hindi kita titigilan hanggat hindi mo binabalik ang jacket ko. " seryosong wika nito sakaniya, pagak naman siyang natawa. " madami ka namang jacket ha! " " it's my favorite.. " nilabas niya ang dila niya para asarin ito. " mandy... " asar na tawag nito sa pangalan niya. "woah woah... hindi ako makapaniwala na hanggang ngayon nag babangayan parin kayo" sabat ni gen. napabuntong hininga nalang siya. "aalis na ako.." sambit niya sa dalawa. " you two have a lot to catch up" tinalikuran niya ang mga ito at hindi na pinansin ng tawagin siya ni felix. naikuyom nalang niya ang kamao dahil nababadtrip talaga siya sa hindi malaman na dahilan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD