Chapter 3

931 Words
NAKATINGIN lang siya sa labas nawala na ang tama ng alak dahil hindi naman sobrang rami ang nainom niya at isa pa na babadtrip siya. napatingin siya sa hit niya ng may binato si felix sakaniya tinignan niya ito at hindi parin inaalis ang paningin sa kalsada. "wear it" tukoy nito sa jacket na binato. "ayoko" nakita niya ang pag igting ng panga nito. tss, kung nagagalit ka , mas gagalitin pa kita, bwisit ka.. "suotin mo o ako ang mag susuot sayo" ngumisi naman siya dahil alam niya naman na hindi nito gagawin. "ayoko nga sabi, ayoko suotin ang damit mo-" nanlaki ang mata niya ng mabilis nitong hininto ang sasakyan sa gitna ng daan at dumukwang ito sakaniya. "susuotin mo o ako ang--" "OO NA!" inirapan niya ito at agad sinuot ang jacket nito. badtrip talaga gusto niya mag saya pero pinigilan pa siya. "stop rolling your eyes" "pake mo ba! gumaya ka kung gusto mo bwisit kang lalaki ka" singhal niya dito, inis na inis talaga siya gusto niya ito sapakin at sipain. "ganyan mo ba ka gustong makipag harutan at uminom doon?!" medyo tumaas ang boses nito kaya nilingon niya ito. "wala ka ng pakealam don! bakit mo kasi ako pinapakialaman ha! hindi porket tinulungan mo ako kay luis papakealaman mo na ako sa mga gagawin ko!" punong puno na talaga siya dito. "stop the car!" sigaw niya dito, gusto niyang umiyak sa sobrang pagka inis. gusto lang naman niya makalimutan ang lalaking nanggago sakaniya! gusto niya lang mag saya bakit pinipigilan pa siya?! nang ihinto nito ang kotse mabilis niyang binuksan ang pinto ng kotse pero hindi niya magawa. "FVCK YOU FELIX! BUKSAN MO TO!" sigaw niya ulit. umiling naman ito "sabi mo ihinto ko lang... hindi ka lalabas ng kotse ko hanggat hindi ka nakakauwi sa bahay mo" hinubad niya ang suot na heels niya. " what are you planning to do? " " babasagin ko tong bintana ng kotse ko para makalabas ako! " handa na siyang hampasin ito ng biglang may humablot ng kamay niya. "ang tigas ng ulo mo, hindi ka lalabas ng kotseng ito hanggat hindi ka nakakauwi." malakas na kinuha nito sakaniya ang takong at binato sa backseat. sasapakin niya sana ito ng napigilan siya nito at hinatak ang kamay niya kaya nanlaki ang mata niya ng sobrang lapit na ng mukhan niya dito. " i didn't forget that day, mandy " napalunok siya at wala sa sariling bumaba ang tingin niya sa labi nito. " a-ano bang s-sinasabi mo, bitawan mo ko.. " naging mahina ang boses niya, hindi niya alam pero kinakabahan talaga siya sa oras na to. sobrang bilis ng t***k ng puso niya dahil sa lapit niya kay felix. " you.kissed.me , should i kiss you back now? " umawang ang bibig niya at nang matauhan tinulak niya ito ng malakas. "i-iuwi mo na ako, bilisan mo" mabilis na sambit niya dito at sumandal sa upuan at tinuong ang tingin sa kalsada. mabuti nalang hindi na ito nag salita , pinikit nalang niya ang mata ng umandar na ang sasakyan. ang ilang minuto parang isang oras sakaniya, atat na atat na siyang makaalis ito. mabilis siyang lumabas ng kotse at nilahad ang kamay niya. "susi ng kotse ko" hindi siya nito pinansin at binitbit ang gamit niya tska ito mismo ang dumeretso sa elevator. "hoy! hindi ka p-pwedeng pumasok ng unit ko" sambit niya dito ng makapasok din sa elevator. nanlaki ang mata niya ng malaman ang floor ng unit niya. "ini istalk mo ba ako?!" "diyaan din ang unit ko, wag kang assumera" kumunot ang noo niya sa sinabi nito. "anong unit mo? kelan ka pa nag ka unit?! may sarili kang bahay ha!" singhal niya dito. tumunog naman ang elevator nito at sinundan niya lang at nanlaki ang mata niya ng makitang huminto ito sa tapat ng pinto nang unit niya. "aba't--" " here's your thing, dito ang unit ko " turo nito sa katapat ng unit niya. " i bought logan's unit, pero ang may ari nitong unit na to na kakalipat lang gusto ang kabila dahil may terrace doon, may anak siyang photographer. " paliwanag nito sakaniya, napailing nalang siya at mabilis na kinuha ang bag niya sa kamay nito, tinype niya ang code niya at pumasok, sinara niya ang pinto ng malakas. "argghh!! bwisit na lalaki! talagang magka tapat pa kami ng unit?!" sigaw niya, wala siyang pakealam kung marinig pa siya sa kabila. binato niya ang bag niya sa sofa at dumeretso sa kwarto natigilan siya ng makitang suot suot niya ang jacket ni felix. chineck niya ang cellphone niya at may text si klein sa kaniya. from klein: mag message ka pag nakauwi ka na. nagtipa naman siya para mag message dito. to klein: nakauwi na ako. bakit katapat ng unit ko ang unit ni felix?! alam mo ba to? naghintay siya ng reply pero ilang minuto na wala parin, panigurado nag ta trabaho parin iyon. hinubad niya ang jacket at tinapon sa tabi, hinubad niya ang lahat ng saplot niya at nag half bath dahil nanlalagkit na siya. pagkatapos niya mag half bath nag bihis siya ng pangtulog at humiga sa kama pero napabangon din siya ng makita ang kaisa isang damit sa sahig. ang jacket ni felix. napabuntong hininga nalang siya bago tumayo at damputin ito sinampay niya ito sa doorknob ng walkin closet niya. dapat nag papa salamat siya kay felix pero mainit lang talaga ang dugo niya dito. hindi lang naman siya pareho silang mainit ang dugo sa isa't isa sa hindi malaman na dahilan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD