Khylle's Pov: "Khylle..." Naikuyom ko ang kamao ko nang marinig ang masuyong pagtawag ni Brixx sa pangalan ko. Kalmado na ako at kakatapos ko lang umiyak pero hindi pa din nawawala ang sama ng loob ko. "I'm sorry," muling sabi n'ya. Mula pa kanina ay humihingi na s'ya ng paumanhin at hanggang ngayon ay iyon pa din ang lumalabas sa bibig n'ya. He's sorry, iyon lang. Ni hindi n'ya ibigay sa akin ang eksplanasyong kanina ko pa hinihintay marinig. "Hayaan mo at pagsasabihan ko si Jian," maya-maya ay sabi n'ya. "You don't need to do that," kaagad na sabi ko. "May karapatan si Jian na magalit sa akin. Nasa kanya ang lahat ng karapatan dahil s'ya at ang mismong career n'ya ang nalalagay sa alanganin nang dahil sa akin." "Ngunit hindi pa din tamang sinaktan ka n'ya." Huminga s'ya nang malali