Chapter 29- Elapse

2281 Words

Khylle's Pov: "Sandali lang," ani Silver. Iniwan n'ya ang ginagawa at lumapit sa amin. "Lahat tayo dito ay narinig ang lahat. Lahat ng sinabi ni Mr. Nietre. Ang hindi ko lang maiintindihan ay kung bakit parang gusto n'yang sabihin sa atin na hindi natin s'ya kayang mahuli at ipakulong?" "Iyon na nga," pagsang-ayon ni Ren. "Nasa atin na ang lahat ng ebidensya at mukhang aware naman doon si Mr. Nietre pero hindi ko alam kung bakit ganoon ang ikinikilos at sinasabi n'ya." Nakabalik na kami dito sa Precinct 5 at katatapos lang naming iparinig kina Nathan ang recording ng naging pag-uusap nina Mr. Nietre at Detective Joseff kaninang umaga. Namaywang si Detective Joseff. "He's challenging us." Pare-pareho kaming natahimik at nahulog sa malalim na pag-iisip. Nakasanayan ko na din ang ganiton

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD