Khylle's Pov: "Ms. Madrigal..." Ang tawag na iyon ang kumuha ng atensyon ko. Agad na napabaling ako kay Mrs. Nicasio. Nakita ko ang pagtatakang nasa mukha nila ng anak n'ya. "A-Anong sinasabi mo?" She looked at me with so much hope in her eyes. "Maaari ko bang malaman kung ano ang gusto mong sabihin?" Napalunok ako. I opened my mouth and tried to tell her everything. Gusto kong sabihin sa kanya lahat-lahat. Lahat ng mga nalalaman ko ngunit walang salitang lumabas sa bibig ko kaya itinikom ko na lang iyon. "Okay lang po ba kayo?" tanong sa akin ng anak n'yang nakakapit sa braso n'ya. "Namumutla po kayo." "Huwag kang mag-alala, okay lang ako." Napahawak ako sa noo ko. Nahawakan ko pa ang ilang butil ng pawis doon. I wiped my cold sweat. Hindi ko alam na ganito kalaki ang kabang narara