Khylle's Pov: Napatigil ako sa paglalakad nang lumampas ako sa Information desk. Sinilip ko pa ang dalawang officer na naka-duty doon. Masayang silang nag-uusap. Pinaglaruan ko ang mga daliri ko habang nag-iisip kung ano ang gagawin. Nasa loob na ako ng Precinct 5 at papunta na ako dapat sa department nina Detective Joseff nang magawi ang mga mata ko sa information desk. May tatlong araw na magmula nang tuldukan ni Detective Joseff ang mainit na isyu tungkol sa pag-aresto kay Chairman Nietre. Hindi ko nga alam kung bakit ganoon na lang kadaling nawala ang isyu sa maling pagkakabalita ni Jian. Alam kong ako ang may kasalanan sa report na iyon pero nagtataka pa din ako na ganoon na lang kabilis mailibing ang isyu. Hanga na talaga ako sa kapangyarihan at koneksyon ng mga taong maaaring n