NAGTAKA si Airene ng magising siya sa dalampasigan. Bumangon siya at tumingin sa paligid. Kilala niya ang lugar na kinaroroonan niya. Narito siya sa probinsiya ng asawa ni Melissa...pero ano ang ginagawa niya dito sa dalampasigan? Tinignan niya ang sarili at basang-basa siya. Napabuntong-hininga si Airene at naglakad pabalik sa mansyon ni Abellardo. Madilim na ang buong paligid at malamig na rin. Nayakap siya sa mismong sarili. Napatingala siya sa kalangitan at nakita niya ang buwan. Bilog na bilog ito at napakaliwanag. Nang makapasok si Airene sa mansyon. Nagtaka siya kung nasaan ang mga kaibigan niya. O hindi pa kaya dumating ang mga ito? Pero fullmoon ngayong gabi. Siguro nasa kaniya-kaniyang kwarto na ang mga ito at siya na lang ang nasa labas. Hindi nga niya ala