EXCITED na makita ni Stanley si Airene. He missed her so much. Hindi nito alam na narito na siya sa Pilipinas. He wanted to surprise her. Kaya kahit gabi na bumiyahe pa rin siya patungong Aurora. Hindi na siya nagpahinga pa. Habang humaharurot ang sasakyan. Pinatay niya ang aircon ng kotse at binuksan ang bintana sa kaniyang tabi. Parang naginhawaan pa si Stanley habang tumatama sa kaniya ang malamig na simoy ng hangin. No wonder why Airene, every time that they are in a car, gusto nito palaging bukas ang bintana ng kotse sa tabi nito. Napangiti si Stanley. Maingat ang pagmamaneho niya. Mahirap na ang maaksidente. Nang may makasalubong siyang truck. Nasilaw siya sa ilaw nito kaya naipikit niya ang mata. Pero malakas na busina ang nagpamulat sa kaniya. Nanlaki ang m