KUNG ilang beses ng nahampas ni Stanley ang mesa ay hindi na niya mabilang pa. "Sir, please, calm down." Pagpapakalma sa kaniya ni Trisha. Napabuga ng hangin si Stanley. "Hindi ko na alam ang gagawin ko sa mga boards na mga 'yan. I already explained to them and yet they are not listening. Ano pa ba ang gusto nilang gawin ko?" Inis na sabi ni Stanley at napailing. Nadelayed kasi ang isang shipment nila habang ang isa namang barko ay lumayag sa karagatan habang may paparating na bagyo. Gusto siyang pagpaliwanagin ng board kaya umuwi siya dito sa Maynila. And it's been three days since he was here. He missed his wife so much. "Tell me, Trisha. When and why did I signed that paper anyway?" Napahawak si Stanley sa kaniyang sentido. "Sir, matagal niyo na pong napermahan