ILANG araw pa nanatili si Stanley at Airene sa isla bago sila bumalik sa Aurora at pumunta ng Maynila. "I'm sorry in advance." Sabi ni Stanley. Nagtaka naman si Airene. "Bakit?" "I know my mom and I'm very sure she will insult you." Stanley said. Ngumiti si Airene. "Actually, kung gaano kataray ang mommy mo, may mas mataray pa sa kaniya." "Really? Sino naman?" Tanong ni Stanley habang nakatutok ang mata sa daan. "Si Prinsesa---I mean si Renesmee at Dayne. Mataray ang dalawang 'yon hindi lang halata." Sabi ni Airene at napailing. "I think I can tolerate your mom. I think..." "Hindi ka sigurado?" Ngumiti lang si Airene at tumingin sa labas ng bintana. "Daan muna tayo kay Dimitri para kunin ang marriage certificate. Sa kaniya ko kasi pinasuyo habang nasa isla tayo