NAPATINGIN si Prinsesa Renesmee kay Gabriel nang inabutan siya nito ng bottled water. Kumunot ang nuo niya at tumingin kay Gabriel. "Bakit 'yan?" "Uminom ka muna ng tubig. Kanina ka pa walang pahinga." Anito. Renesmee felt warmth. "Salamat." Tumango ang binata. Kinuha niya ang bottled water na hawak nito. Pagkakuha niya ng tubig umalis na ito. Binuksan naman ni Renesmee ang bottled water at uminom. Ngayon ang huling araw nila rito sa Barangay San Jose at bukas ay aalis na sila. Tumingin si Renesmee kay Gabriel na nasa malapit lang. Napangiti siya at kaagad na nawala ang ngiti sa mukha niya ng sumulyap sa kaniya ang binata. Ngumiti si Gabriel. Nag-iwas ng tingin si Renesmee. Makisig si Gabriel at halatang maganda naman ang katawan nito. Hindi ito papahuli sa mga as