25

1414 Words

"Kumusta? Bakit parang wala ka yata sa mood ngayon?" tanong ni Serenity nang makarating si Oliver sa kaniyang bahay. "Ayos lang. Medyo pagod lang dahil marami akong inasikaso," halos pabulong niyang sabi. Umarko ang kilay ni Serenity. "Bakit parang wala ka yata sa mood? May hindi ba nangyari ngayon sa iyo?" Bumuntong hininga si Oliver at saka naisip si Clara. Naisip niyang mukhang ito pa ang magiging sagabal sa kanilang dalawa ni Serenity. Gusto pa naman ni Oliver na makuha na ng tuluyan ang puso ng dalaga dahil ayaw na niyang mapunta ito sa iba. Plano niyang pakasalan na kaagad ito. Ngunit naisip niya na baka mabigla si Serenity at tumanggi. Kaya hahanap muna siya ng magandang tiyempo. "Pagod lang siguro ako sa dami ng ginawa ko," ani Oliver kasabay ng pilit na ngiti. "Ganoon ba? Si

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD