Chapter 3

2211 Words
Andrei POV "KUMUSTA ang pag-aaral niyo?" Tanong ko sa mga kapatid ko ng umagang iyon. Nasa hapag kami at sabay sabay na kumakain tulad ng nakasanayan kapag umuuwi ako. "Ayos lang naman Ate, two months from now ay graduate na ako and candidate for Suma c*m Laude." Nakangising sagot ni Candros, napangiti ako sa sinabi niya. "I'm so proud of you even if you're pain in the ass Candros." Napasimangot siya. "Okay na sana 'yong I'm so proud of you bakit dinugtungan mo pa ng pain in the ass." Reklamo niya, natawa naman si Cathy at benilatan ang Kuya niya. "Ako ate graduate na rin ako two months from now at sabi ng teacher ko ako daw ang candidate for valedectorian." Pagmamalaki rin ni Cathy. "I'm lucky for the both you, masaya ako at dahil sabay kayong gagraduate ay magcecelebrate tayo." Bumaling ako kay Pulahan na abala sa pagkain. Ako ang nakaupo sa kabesira as the head of the family habang nasa magkabilang gilid ko si Cathy at Candros. Katabi ni Cathy si Pulahan habang katabi naman ni Candros ang kapatid nitong si Anding. Si Anding ay ang iisang babae na katulong sa mansyon dahil lahat ng mga tauhan dito ay lalaki, mas effecient ang mga lalaki para sa'kin. "Magpaorganize ka ng party at imbetahan mo ang buong tao sa Isla." Bilin ko kay Pulahan. "Wow, bigatin ka talaga milyones na naman 'to." Natatawang sagot niya at tumaas baba pa ang mga kilay habang nakatingin sa mga kapatid ko. "It's okay, mas mahalaga ang celebration nila kaysa sa milyones." Seryosong sagot ko. "Waaaah! I love you talaga Ate, pero kahit walang party basta nandito ka." Paglalambing ni Cathy. "Oo nga ate bigay mo nalang sa'kin ang milyones na gagastusin." Singit ni Candros. Tinaasan ko siya ng kilay habang masamang masam ang tingin ko sa kanya. "Sabi ko nga may party." Agad niyang pagbawi. Bumaling naman ako kay Anding na tahimik lang sa pagkain at nakayuko. Napakapino at hinhin ng mga galaw niya, malayong malayo sa mabulastog niyang Ate. "Ikaw Anding kumusta ang pag-aaral mo?" Tanong ko, mukhang nagulat ito dahil nabitawan ang tinidor na hawak at alanganing nag-angat ng tingin. "A-Ano p-po--" halatang kinakabahan siya dahil sa pagkautal. "Running for Magna c*m Laude siya kasunod ni Candros." Mayabang na sagot ni Pulahan. "Ikaw na ba si Anding ngayon Pulahan?" Sinamaan ko siya ng tingin. Napangiwi siya. "Gago! Mukha kang drakula kapag ganyan ka tumingin." Sagot siya. Pinulot ko ang kutsilyo na nasa gilid ko at walang pag-aalinlangang ibinato iyon sa gawi niya. Umatras siya para makailag dahilan para matumba ang upuan at nahulog siya. Nagtawanan ng malakas sina Cathy at Candros habang si Anding ay nakangiti at napapailing sa ate niya. "Putangina! Andrei ang sakit n'on." Daing ni Pulahan na nakahawak sa balakang niya. Hindi ko siya pinansin. "So kumusta Anding?" Pagbabalik ko ng tanong. Yumuko siya bago sumagot. "A-Ayon n-nga p-po candidate po ako as Magna c*m Laude kasunod ni C-Candros, salamat po pala sa scholarship na bigay mo sa'kin a-ate para makapasok ako sa university niyo." Pati pagsasalita niya ay mahinhin at mukhang ilag siya sa tao. "Kung gan'on ay pati ikaw kasali sa celebration, isasabay na natin kayong tatlo." Natigilan siya. "Mabuti ay malayong malayo ka sa ate mo dahil noong nag-aaral pa kami puro pangangamote ang ginagawa niya." Biro ko pero totoo iyon. "Gaga 'to ilaglag ba naman ako sa sarili kong kapatid." Pasaring ni Pulahan. "I'm just telling the truth." "K-Kahit wag na po ate ayos lang naman po ako kahit walang celebration." Tugon ni Anding. "Nahihiya po siya Ate kasi siya naman dapat talaga ang candidate as Suma c*m Laude kaso hindi siya nakapagtake ng exam dati sa isa niyang subject kasi po buong araw siyang pinaglinis ni Kuya Candros ng kwarto nito kaya hindi nakaabot si Ate Anding exam hours nila." Awtomatikong nagsalubong ang kilay ko dahil sinabi niya Cathy. Naikuyom ko ang kamao kong bumaling kay Candros na naabutan ko pang pinanlakihan ng mata si Cathy. "Napakasumbungera mo, mamaya ka sa'kin." Bulong niya. "Ate oh si Kuya." Si Cathy. Hindi nawala ang masamang tingin ko kay Candros. "Totoo ba Candros?" Tanong ko. "H-Hindi p-po---" sasabat sana si Anding ng bigla ko suntukin ang lamesa. Nahulog ang mga plato na naroon. "Totoo ba Candros?" Damang dama sa boses ko ang pagpipigil. "S-Sorry Ate." Tanging sagot niya. "Putangina Candros De Catalina!" Hindi ko na napigilan ang galit ko kaya nasigawan ko siya. Malutong akong napamura dahil sa nalaman ko. "Hindi kita pinalaking ganyan, hindi ko kailanman itinuro na manghamak at mangliit ka ng tao dahil lang sa mas nakakaangat ka sa kanila." "G-Gusto ko lang namang maging proud ka sa'kin." Mas lalo akong nagpuyos sa walang kwenta niyang dahilan. "Bullshit! Alam mong proud ako sa'yo kahit na palagi kang sakit sa ulo. Hindi ako nagkulang sa pagsasabi kong gaano ako kasaya sa lahat ng nararating niyo ni Cathy kaya hindi mo kailangang gawin 'yon. Hindi mo pwedeng agawin ang isang bagay na hindi sa'yo." "I'm sorry Ate, naaawa na po kasi ako sa'yo kasi lahat ng problema namin at pagpapalaki sa'min ikaw ang umaako. Mula bata kami ikaw na ang nag-alaga sa'min ni Cathy." Umiiyak siya habang sinasabi iyon. Napahilamos ako sa mukha ko habang kuyom pa rin ang mga kamao na nakapatong sa mesa. "Kung talagang naaawa ka sa'kin wag mo akong bigyan ng problema. Candros, alam mong wala sa'kin lahat ng hirap na pinagdaanan ko mula noon para mapalaki kayo ni Cathy, ginagawa ko ang lahat kaya sana naman wag kang nagbibigay ng problema sa'kin. Lahat ng luhong hindi ko natamasa noon ay ibinibigay ko ngayon sa inyo dahil ayokong mahirapan kayo kaya wala kayong ibang dapat na gawin kundi ang maging masaya ako na ang bahala sa mga hirap at problema." Sa sobrang emosyon ay hindi ko napigilan ang luha na lumabas sa mga mata ko. Marahas ko iyong pinunasan. Para akong nauupos habang nakatingin kay Candros na umiiyak, ganitong mga pagkakataon ang kinakatakutan ko ang makita ang isa sa kanila ni Cathy na umiiyak. "I'm sorry ate hindi na po mauulit." Taas baba ang balikat niya at basag ang boses. Napabuntong hininga ako at gan'on kadaling nalusaw ang galit ko. Lumapit ako sa kanya at niyakap siya. "Candros naman wag kang manghahamak ng taong sa tingin mo ay lamang ka, kahit gaano ako kasama sa mga taong nasa paligid ko ay nasa dahilan ako pero hindi makatarungan ang ginawa mo kay Anding." Mahinahon na ako habang yakap siya na ginantihan niya rin naman ng mas mahigpit na yakap. "Hindi ko na po uulitin." Bulong niya. "Aasahan ko 'yan, I'm very proud of you brother wala kang kailangang patunayan sa'kin dahil kahit anong gawin mo, success or failure I'm still proud of you, sa inyo ni Cathy." Hinagod ko ang likod niya para kumalma dahil masakit para sa'kin na marinig ang mga hikbi niya. "Ayokong mapressure kayo sa magiging choice niyo sa buhay, gawin niyo ang gusto niya at maging masaya kayo basta siguraduhin niyo lang na wala kayong nasasaktang kapwa." Naramdaman ko ang pagtango niya. May sumali sa yakap namin at si Cathy iyon. "Thank you for being the best sister, mother, father and guardian ate. Mahal na mahal ka namin." Sabi niya habang naluluha rin. Ngumiti ako at hinalikan sila pareho sa noo. Sila nalang ang meron ako kaya gusto kong mapabuti sila lagi. Ilang sandali kaming nasa gan'ong posisyon ng humilay sila at ngumiti sa'kin. Natawa ako ng sabay nila akong hinalikan sa pisngi. Sinuntok ako ni Pulahan sa braso. "Putangina mo! Kaya pinapalagpas ko lahat ng pambabastos mo sa'kin kasi alam kong napakabuti mong tao." Naluluha siyang dinamba ako ng yakap, itulak ko siya. "Tsk. Gross." Komento ko. "Tangna! Anding paampon ka nalang sa Ate Andrei mo hindi ko na kayang maging ate sa'yo ni wala ako sa kalingkingan ng pagpapalaki niya sa dalawang 'yan." Itinulak niya pa si Anding palapit sa'kin. Namula naman ang mukha ng kapatid niya. "Ate naman kahit basagulera ka mahal naman kita." Sagot ni Anding at yumakap sa ate niya. "Sana manlang inambunan mo ako ng konting hinhin Anding hindi 'yong pinanligo mo lahat." Sabi pa ni Pulahan at hinaplos ang buhok ng kapatid niya. Nagtawanan sila. Humarap ako kay Candros na nakasimangot habang nakatingin kay Anding. "Sa loob ng isang buwan ay si Anding ang gagamit ng kwarto mo, cellphone at lahat ng gadgets. Siya rin ang gagamit ng allowance mo at kotse, lahat ng meron ka ngayon ay siya ang gagamit at lahat naman ng meron siya ay ikaw ang gagamit." Seryosong tugon ko na ikinatigil nilang lahat. "A-Ate A-Andrei hindi na po kailangan ayos lang naman po 'yon hindi naman talaga ako nakatake ng exam kasi nalatulog ako pagkatapos maglinis ng kwarto niya." Singit ni Anding. "No, kung hindi ka napagod sa utos niya hindi ka makakatulog at hindi ka malelate so feel at home Anding." "Ate naman, ang liit ng kwarto niya tapos sa maid's quarter iyon. Ayoko--" "Punishment is a punishment, mahal kita alam mo 'yan pero hindi ko palalagpasin ang ginawa mo." May pinalidad sa boses ko na ikinayuko niya. "Yan kasi." Nang-aasar na sabi ni Cathy at iniangkla ang braso sa braso ni Anding. "Ang bait bait ni Anding pero kinakawawa ko. Hmp." Mataray niyang sabi sa kuya niya at hinila palabas ng dinning si Anding. Napapadyak si Candros na umalis rin. Napapailing nalang ako, minsan naiisip ko na sa sobrang gusto kong sumaya sila ay naiispoil ko na. Gusto ko lang naman ibigay lahat ng ikasasaya nila dahil hindi ko 'yon naranasan noong nasa gan'ong edad ako. "Andrei, sobra naman ata 'yong si Anding ang gagamit ng kung meron si Candros, tangna mo milyones ang meron si Candros dahil binusog mo sa sobrang pera at pagmamahal ang mga kapatid mo." Palatak ni Pulahan. Sinapak ko siya sa braso. "Tsk. Dukha ka lang pero wala sa lahi niyo ang pagiging mukhang pera." "Tangna! Kapag inutusan ko si Anding na itakbo ang milyones ng kapatid mo walang sisihan." Sabi niya pa. "Kahit utusan mo si Anding na gawin 'yon alam kong hindi siya susunod di hamak na may utak ang kapatid mo." "Wag kang pakampante." Humalakhak pa ang gago at pumulot ng tinapay at itlog sa hapag. "Tsk. May milyones ka na ring dukha ka, sa tagal mong nagtatrabaho sa'kin alam kong kinurakot muna ang budget sa ibinibigay ko sa'yo." Mabilis siyang tumango. "Kinurakot ko nga kasalanan mo kasi wala ka palagi dito." Proud niyang sagot. Napapailing na natatawa nalang ako sa takbo ng usapan namin. Ganito kami mag-usap palagi at alam kong biruan lang lahat ng 'yon. Kung totoong nangungurakot siya sa pera ko ay sana ubos na ang perang ipinalagay ko sa account niya para sa mga emergency dito pero hanggang ngayon ni centavo hindi nagalaw 'yon. I trust her. Matatanda na kami at kilala na namin ang likaw ng bintuka ng isa't isa. "Kurakutin mo lahat hindi mo naman magagamit kasi dukha ka." Inakbayan niya ako habang tawa pa rin ng tawa, tumatalsik na ang tinapay na nasa bibig niya. "Kaya mahal na mahal kitang drakula ka." Sinikmuraan ko siya ng halikan niya ako ng mariin sa pisngi. "Tarantado!" Natigilan kami pareho ng makarating sa sala. Nandoon ang isa kong tauhan habang nakaupo aa isang couch si Tadeo Merandela. "Magandang umaga po Boss, nandito po si Tadeo Merandela ang presidente po ng mga magsasaka. Kanina pa po siyang naghihintay sa inyo pero nasa hapag kayo kaya pinaupo ko na muna dito." Salubong ni Canor, ang isa sa mga katulong at tauhan dito. Tumayo rin si Tadeo Merandela ng makita kami. Tumango ako. "Iwan mo na kami, ayusin mo ang kalat sa dinning area." Utos ko. "Masusunod po Boss." Nang makaalis siya ay humakbang ako papalapit sa couch na kinauupuan kanina ni Tadeo Merandela. Sumunod naman sa'kin si Pulahan, she's my secretary afterall. Umupo ako sa couch na kaharap niya habang si Pulahan ay nakatayo sa tabi ko. Pinasadahan ko ng tingin ang hitsura ni Tadeo Merandela gamit ang walang emosyon kong mukha. Nakasuot siya ng v-neck white shirt na hapit sa katawan niya, a black fitted jeans and a white rubber shoe. Malayong malayo sa hitsura niya kahapon ng sumubsob sa putikan. Mas mukha siyang tao ngayon at malinis. Malaki ang katawan niya, iyon ang ideal body built na gusto ko na maging katawan ko but nah I don't want to undergo any treatment. I maybe a lesbian but I don't want to be a transwoman or anything you called that. "Anong atin Tadeo?" Tanong ni Pulahan, walang kapormalan ang tanong niya. Gago talaga ang isang 'to. "Pero bago 'yan umupo ka muna." Pahabol niya para kasing tuod na nakatayo lang ang lalaki at parang hindi alam ang gagawin. May hawak siyang folder kaya halatang halata ang panginginig niya. "M-Magandang u-umaga po Boss, sa iyo rin Red." Magalang niyang bati sa kabila ng pagkautal. "Tangna! Nakakalalaki ka ata Tadeo, Pulahan ang pangalan ko." Asik niya. "Anong ginagawa mo rito? Tinanggal na kita sa trabaho hindi ba? Hindi ka naman siguro bingi." Tugon ko bago pa magsalita ng walang kakwenta kwenta si Pulahan. Nakita ko ang pagtaas baba ng adams apple niya tanda ng ilang ulit na paglunok. Napailing akong muling tumayo. "Just leave, I'm busy and every seconds is important to me," tugon ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD