Prologue
Napatili ako nang bumukas ang pinto namin at narinig ko ang boses ni daddy. Ilang weeks din siyang wala dahil sa project na meron siya sa Maynila sabi ni mommy.
"Where's my big princess?"
Tumakbo ako palapit sa kanya at yumakap sa hita niya. Mabilis niyang inilapag ang bag niya para kargahin ako. Lumapit din si mommy sa kanya, hinalikan siya ni daddy sa pisngi. Napabungisngis ako dahil sa ngiti ni mommy. Mahigpit akong kumapit sa leeg niya.
"Where's my pasalubong, dad?" ungot ko.
Inilapag niya ako sa sofa to come near Cathy, who's sleeping peacefully in her crib. Nakaupo naman si Candros sa stroller niya. Ni-kiss niya rin si Cathy at Candros. They're my kapatids, and I'm their big sister.
"Nasa bag ko."
Agad akong tumakbo sa bag na inilapag niya malapit sa pinto. Binuksan ko lahat ng zipper to find my pasalubong. Napapalakpak ako nang makita ko ang big box na kulay pink, it's a barbie.
"Yehey! This is beautiful!" I shouted, itinaas ko 'yon para makita ni mommy na nagluluto sa kitchen. Lumaki ang mga mata ko nang makakita ng isa pang box. Wow, marami akong pasalubong, kaso mas maliit siya kaysa sa unang box. Ngayon lang ata si daddy nagdala ng dalawang pasalubong para sa'kin. Hindi naman niya binibilhan sila Candros at Cathy ng gift sa Maynila dahil dito na siya bumibili.
"Wow!" Nang buksan ko ang box may new underwear doon. Agad kong kinuha 'yon at tumakbo kay mommy. "Mom, look! I have my new underwear," I shouted in excitement. Inilapag ko sa table ang iba at sinukat ang isa. I pouted. "But, it's too big for me."
Natigilan ako nang biglang hablutin sa'kin ni mommy ang hawak kong underwear. Muntik akong matumba sa gulat at lakas ng paghatak niya. Malalaki ang hakbang na lumapit siya kay daddy and she throw the box to his face. Napatakip ako ng bibig sa gulat. Mom shouted. She's fuming red.
Agad akong nagtago sa ilalim ng lamesa ng kitchen. Baka mapagalitan ako. Hindi ko alam bakit nagalit siya sa gift sa'kin ni daddy, gusto niya ba na sa kanya ibigay ni daddy ang underwear na 'yon?
"Hanggang dito ba sa pamamahay natin dadalhin mo ang bakas ng babae mo sa Maynila!?" sigaw ni mommy.
"What are you talking about?"
"Ito. Ito. Ito!" Pinagtatapon niya sa mukha ni daddy ang mga underwear. "At ipinakita mo pa talaga sa anak mo, alam kong hindi para sa'kin 'to dahil hindi ito ang size ng mga underwear ko."
"Calm down!" dad shouted too.
I started to cry. I'm scared. Ilang weeks naming hindi kasama si daddy tapos ngayon nagsisigawan na agad sila. Sana hindi ko nalang ni-open 'yong gift ko para hindi na nagalit si mommy. Nagising si Cathy dahil sa sigaw nila, umiyak din si Candros.
"Calm down? You f*****g cheater, hindi ka pa rin tumitigil sa pambababae mo? May mga anak ka!"
"Hindi ako nambababae!"
"Ano 'to? Ha? Ipaliwanag mo 'to." Pinagtatapon niya ulit ang underwear sa mukha ni daddy.
Even Cathy started to cry from her crib. Tinakpan ko ang mga tenga ko, I don't want to hear them shouting and fighting.
"Ipinabili lang 'yon ng kumpare ko sa bayan para sa asawa niya. He wanted to surprise his wife. You're crazy. Stop being paranoid."
"Paranoid? I'm being paranoid dahil alam ko ang pinaggagagawa mo sa Maynila, noong isang linggo pa natapos ang project niyo doon pero bakit ngayon ka lang umuwi?"
I crawled towards my Barbie doll and hid again under the table. I hugged her while I was crying. Bakit sila nag-aaway? Hindi ko maintindihan ang mga sinasabi nila.
"Let's stop this, paranoid ka lang."
"Sagutin mo ang tanong ko!"
Halos wala ng boses si mommy sa kakasigaw. Napuno ng ingay ang buong house namin, umiiyak na si Candros at Cathy pero hindi nila pinapatahan kasi nagsisigawan din sila. This is my first time witnessing them fighting. Dahil sa gift ni daddy na underwear sa'kin?
"I won't accept gifts from daddy anymore, para hindi na sila mag-away," bulong ko kay barbie. Kung hindi ko binuksan 'yong gift hindi sana sila nag-aaway ngayon.
After few minutes tumigil din sila pero hindi sila nag-uusap. I tried na humingi ng tawad kay mommy tungkol sa gift pero nagalit lang siya sa'kin.
Hanggang dumating ang Lunes na kailangan na ulit umalis ni daddy para sa bago nilang project. Hindi ko sila nakitang nag-usap, sa'min lang humalik si daddy noong paalis na siya.
Ibinilin sa'kin ni mommy na bantayan si Candros at Cathy, sinabi niya na kapag umiyak si Cathy kay ibigay lang ang bote ng gatas niya. At laruin ko lang si Candros. Sumunod ako para hindi siya magalit sa'kin.
Nakita ko siyang kumuha ng alak. Mag-isa siyang uminom sa kitchen habang umiiyak. Nakatulala lang ako sa kanya. I wanted to talk to her pero pinapaalis niya ako at sinisigawan. Everyday naging gano'n ang gawain niya. Walang araw na hindi ko siya nakikitang umiinom, umaga hanggang gabi ay lasing siya. Madalas akong magutom dahil hindi na siya nagluluto ng delicious foods tulad dati. Madumi na rin palagi ang bahay namin, scattered ang mga toys namin at mga damit.
Hindi ko alam kung anong oras na pero madilim na, I thought midnight na nang marinig ko na naman ang sigawan sa baba. Mabilis akong umalis sa bed ko. Pumunta ako sa kwarto nila mommy kung saan natutulog si Candros at Cathy. Binantayan ko kung magigising sila at papatahanin ko agad para hindi lalong magalit si mommy.
Nagulat ako dahil malakas na bumukas ang pinto. Agad kong tinakpan ang ears ni Cathy para hindi magising, pero sa Candros ay nagulat din at nagising.
"I'm leaving," sigaw ni daddy.
Hindi ko alam na nakauwi na pala siya. Niyakap ko si Candros nang umiyak siya at gustong gumapang kay daddy. Gusto ko rin lumapit kay daddy pero magagalit si mommy. Nagsisigawan na naman sila.
"Then, f*****g leave, wala kang dadalhin ni isa sa mga bata!"
Kinuha ni daddy ang maleta sa loob ng walk in closet nila. Nilagay niya ang mga gamit niya doon. Hindi ko na napigilan ang iyak ko. Kahit hindi ko maintindihan kung bakit nagsisigawan na naman sila alam kong iiwan kami ni daddy. Hindi siya gumagamit ng maleta kapag bumabalik siya sa Maynila para sa trabaho, ngayon lang.
I'm crying silently while hugging Candros. Nagising na rin si Cathy at dumadagdag ang iyak niya sa ingay ng sigawan nila daddy. Tinakpan ko ang tenga ni Candros para hindi siya matakot.
"Sawang-sawa na ako sa bunganga mo, palagi mo nalang akong pinaghihinalaan."
"Dahil alam kong tama ang mga hinala ko, ilang babae mo na ba ang nahuli ko, ha?"
"Ginawa ko 'yon dahil palaging 'yon ang bukambibig mo. Are you satisfied now?"
"Wag mong isisi sa'kin ang pagiging manloloko mo, ilang ulit na kitang pinatawad. Paulit-ulit kitang pinatawad!"
"Aalis na ako!"
"Bakit? Dahil gusto ng kabit mo na magsama na kayo? Manloloko ka!"
Hindi ko na alam kung ano ang pakikinggan ko. Malakas na rin ang iyak ko. Kitang-kita ng mga mata ko ang pagsara at paghila ni daddy sa maleta niya. Itinulak niya si mommy nang humarang ito sa door.
"Wag na wag ka nang babalik!" mom shouted hysterically.
Tumakbo ako pababa para habulin si daddy at pigilan, ayokong iwan niya kami pero mabilis akong nayakap ni mommy para pigilan.
"Daddy!" I screamed. Hindi siya lumingon. Hindi niya kami isinama. Paulit-ulit akong sumigaw para hindi niya kami iwan pero hindi niya ako pinakinggan. Tuloy-tuloy siyang naglakad.
My mom is sobbing. She explained to me, na hindi na babalik si daddy dahil may mahal na itong iba. May gusto na itong makasamang iba. But I don't understand why, because we are family, and we are his children. My mom is his wife. Bakit gusto niyang may makasamang iba?
After that night, Mom became more miserable. We become more miserable. Hindi na niya kami kinakausap. Palagi lang siya umiinom, umiiyak, at kinakausap ang sarili. Wala na ring bumibisita sa'min na mga kaibigan na. Hindi na siya nag-aayos ng sarili at mas lalong naging magulo ang bahay namin. Ako na ang madalas na nag-aalaga kay Candros at Cathy. Umiiyak ako araw-araw, mahal ko si daddy pero nagagalit ako sa kanya dahil iniwan niya kami para sa ibang babae. Mas pinili niya ang ibang babae kaysa sa'min na pamilya niya.
Naaawa ako kay mommy kasi palagi siyang wala sa sarili. She always talk about dad, minsan nakikita ko siyang gising sa gabi at tulala.
This is dad's fault.