The next morning...
Maaga akong gumising upang maghanda ng umagahan.
Akira still wearing his pajama top grimaced as she walked into the kitchen and saw me. "Huwag mong isipin na makababawi ka na sa lahat ng ginawa mo sa simpleng pagluluto lang, Milly."
Inirapan ko ang Luna ng WhiteFang. Sa lahat, ito ang tutol na manatili kami ni Lime sa teritoryong 'yon.
"Girl, move on na. It's been five years since that incident. Umupo ka na lang d'yan at kumain."
She huffed but then sat on her usual chair. Agad na hinandaan ko ito ng almusal at sa bawat kilos ko ay umaani ng mahihinang ungol dito.
"Geez, stop growling Aki. You're provoking my wolf," saway ko sa Luna dahil nakikita kong unti-unting tumatayo ang mga balahibo sa batok ni Tiffa senyales na naiirita ito.
Akira just rolled her eyes but then ceased on growling.
Nakahinga ako ng maluwag kapag kuwa'y naisipan na lang na tanungin ito. "By the way, I'm just a little curious. Why did Lyme suddenly changed?" pabulong na tanong ko kay Akira habang sinasalinan ito ng juice sa baso.
Tiningnan ako nito nang tila nanunuya. "Seriously, hindi mo alam kung bakit? May amnesia ka ba?" may himig pagka-inis na tugon nito. "O baka naman gusto mong iuntog ko 'yang ulo mo para maalala mo?"
I bit my lips.
No.
Hindi na nito kailangang iuntog ang ulo ko dahil alam ko na ang dahilan.
"It was what I've said from the past that made him changed, right. I've called him weak and pathetic but it were all lies. Heaven knows that I love him so much that I had to forced myself saying those hateful words."
"No comment," biglang tumayo si Akira na tila nawalan ng gana. Iniwan nito ang pagkain at humakbang palabas ng kusina ngunit bago ito nawala sa aking paningin ay binigkas nito ang mga salitang ke aga-aga ay nagpa-antak sa aking umaasang puso. "Milly, the moment you reject Lyme was the moment he died. Huwag kang umasa na may babalikan kang lampa at walang kuwentang mate dito dahil ibang Lyme na ang makakaharap mo."
Tila sinampal ako ng ubod lakas dahil sa mga narinig dito.
Well she just used my words against me.
Inilapag ko ang pitcher ng juice sa lamesa sabay kagat-labi dahil sa panlulumo.
That woman.
She wants me to give up but I can't.
It's too early to do that and even if it's too late, I still want to give a fight.
Also I knew that Akira just said that cause she had witnessed how I hurt Lyme so deeply five years ago.
Nabalitaan ko sa Germany ang naging paghihirap ng kalooban ng aking mate. Ang ilang beses na pagtatangka nitong tapusin ang kan'yang buhay. Ako ang sinisi ni Akira sa lahat.
Believe me when I cried a river every night thinking about what I've done. I wanted to go back and comfort my mate but the situation held me back.
Nangilid ang aking mga luha.
Yes it's true that I left him badly broken then but I myself suffered too. Hindi lang sa naging epekto sa aking katawan ng pagreject ko dito kundi may mga bagay akong pinagdaanan noon na tanging ako lamang ang humarap mag-isa upang protektahan hindi lang ito kundi ang BlueMoon, BloodyPaws at WhiteFang pack.
Pinagdaanan na s'yang ugat ng kaguluhan sa mga bansang nasa kanluran.
Agad kong pinalis ang aking mga luha at pinatatag ang aking sarili.
Kailangang malaman ni Lyme ang lahat ng dahilan kung bakit ni-reject ko ito.
Kailangang makapagpaliwanag ako. Baka iyon lang ang paraan upang mapatawad ako ng aking mate.
I will tell him everything today!
With a nod, I filled my chest with air. I breathe in and breathe out before I decided to continue making breakfast.
NASA gitna ako ng pagluluto nang may maulinigan akong mga tawa at mga yabag ng paa at pumasok ang mga iyon sa kusina.
Mukhang gising na ang mga packwarriors. Tamang tama, nakahanda na ang hapag para sa mga ito.
Agad akong bumaling sa mga dumarating nang may malawak na ngiti sa labi.
"Good morni---" akmang babatiin ko ang mga ito para lamang matigilan at mabitawan ang hawak kong big spoon nang pumasok sa kusina si Lyme na mukhang bagong paligo at sobrang kisig sa suot nitong puting tshirt at pantalon kasama ang babaeng linta.
My wolf whimpered while I felt my heart fell into the floor and broke into pieces as I saw their happy faces.
Mukhang nag-enjoy ang mga ito na magkasama magdamag.
Alam ko naman iyon at naramdam ko na may nangyari sa dalawa nang tila may mumunting karayom ang tumutusok sa aking mga balat kagabi.
Gustuhin ko mang g'yerahin ang mga ito ay nahihiya ako kina Aleca at Akira sa maaaring mangyaring gulo. Isa pa, ayokong malaman ni Lime ang kalokohang pinaggagawa ng ama nito habang naroon kami sa bahay na iyon.
"H-honey... bakit narito pa ang babaeng 'yan?" narinig kong bulong ng babae ni Lyme na bahagyang natigilan nang makita ako.
While Lyme seemed annoyed upon seeing me. "Don't mind her. Kumain na tayo at may pupuntahan pa ako." Nawala ang maaliwalas na bakas sa mukha nito at awtomatikong nagdilim iyon.
Tila sinipa ako sa dibdib dahil sa narinig na wini ka ng aking mate ngunit minabuting palampasin na lang iyon.
"L-Lyme, let's talk," pinigilan ko ito sa braso ng akmang uupo ito sa kan'yang puwesto.
Wala akong paki-alam kahit naroon ang bruhang Savanna na iyon.
Ito na ang pagkakataon kong magpaliwanag sa kan'ya.
But to my disappointment, he flinched and pulled out his arm from my grasp. "There's nothing to talk, Milly."
Napa-iling ako. "No! Alam mo na marami tayong dapat pag-usapan Lyme! Don't avoid me and let me explain what really happened."
"Geez, bakit ba ang kulit mo?" singit ng babaeng linta at matapang na hinarap ako. "He's not yours anymore, b***h. Tanggapin mo na lang 'yon nang hindi na nagmumukhang desperada."
Napabuga ako nang hangin at walang nagawa kundi ang ibaling ang atensyon rito.
My eyes turned to slits as I stared at her. "Desperate? Really? How about you do yourself a favor and disappear from my sight, leach. Nalilimutan mo na yata ang ginawa ko sa'yo kagabi?"
Ang totoo, wala akong balak na pag-aksayan ng oras ang gaga pero talagang kumukulo ang dugo ko dito.
And with that, I pushed her hard that made the stupid woman lost her balance and with a loud thud her ass hit the floor. "Ouch! Why you violent witch!" mabilis itong tumayo at sinugod ako.
Ngunit mabilis kong sinalubong ang mukha nito ng isa kong paa.
"What the hell, Milly!" bulyaw sa akin ni Lyme nang bumagsak sa mismong harapan ng pagkain nito ang bruha na awtomatikong nawalan ng malay.
I snickered and put my hands on my waist. "Inalis ko lang ang mga pang-abala. Now let's talk, mahal ko!"
I gave him a serious look that gave him the hint that I won't let him avoid me anymore.
Lyme's jaw clenched as he stared back at me with full of distaste. Lihim na napangiwi ako dahil doon ngunit pinilit na huwag magpa-apekto.
Then I noticed that his eyes changed colors. From deep brown to black. From black to deep brown. I knew it was his wolf that was trying to be freed and it gave me major goosebumps.
He was intimidating me but I held my ground until he released a deep sighed. Putting his innerwolf on the leash, he then gave in and nodded.
"Alright, let's talk."