Chapter Five

2008 Words
Chapter Five Ayesa Montefalcon's Point of View "Bye bye Auntie!" Sigaw ko nang makalabas ako ng bahay. Narinig ko pa si Auntie Alice na sumigaw ng ingat pero hindi ko na pinansin pa. Halos liparin ko na ang dinaraanan ko dahil talaga namang nasusunog ako sa sinag ng araw. Sira na talaga ang Earth. Napangiti ako ng makita ang kotse ni Heighman na nakaparada sa may kanto. Mas binilisan ko pa ang takbo ko sabay pasok sa kotse niya. Mabuti na lang malakas ang aircon ng kotse niya kaya agad na naibsan ang hapdi at init sa balat ko. "Good morning." Nakangiti niyang bati sa akin kaya ako naman ay ngumiti din kahit pa hagardo versosa na ang beauty ko. "Good morning din. Grabe talaga ang climate change ngayon. Look oh," tapos pinakita ko ang braso kong namumula. "Namumula na agad ang skin ko, lakas maka-aging ang init ng araw." Natawa naman siya at nakita kong may kinuha siyang bote sa may dashboard. Maliit lang naman na bote na oil ang laman. Binuksan niya ito at agad kong naamoy, sobrang bango nito na talagang nanunuot ang amoy sa ilong ko. Pinatakan niya ang braso kong namumula at nirub. Namangha ako dahil agad nawala ang pamumula at naginhawaan ako. Parang magic oil. "Wow! Ano iyan? nawala agad oh!" I said habang tiningnan ang braso ko. "Oil, from England." Then he wink at me. Naku ang kilig cells ko umaariba na naman. When we reached St. Mary's University ay as usual pinagtitinginan kami. Sino ba namang mag-aakala na ang isang normie na katulad ko ay mabibingwit ang fresh from England na si Heighman. Papasok na sana kami ng room ng makasalubong namin si Claude. Papasok kami samantalang siya ay palabas.  "Good morning Claude!" I greeted him but he did not answer me, he just look at us. Tinitigan din niya ang kamay naming dalawa ni Heighman. Hindi siya sumagot at binangga si Heighman sa balikat. "Anong problema ng lalaking iyon?" tanong ko habang tinatanaw si Claude. Ngayon ko lang siya nakitang ganoon, most of the times bubbly and carefree ni Claude. Kaya nakakapagtaka kung bakit ganoon ang inasal niya kanina. "Don't mind him Ayesa." Napatingin ako kay Heighman na seryosong nakatingin sa akin. Naramdaman ko pa ang pagpisil niya sa kamay kong hawak niya bago kami tuluyang pumasok sa room.  Habang nagle- lecture ay hindi ko maiwasang isipin ang mga pangyayari sa akin ngayon. Ang bilis lumipas ng mga araw. It's been two months na simula ng maging boyfriend ko si Heighman. Hindi ko akalaing darating ako sa season na may boyfriend na ako at isang Heighman France pa ang naging boyfriend ko. masasabi kong sobrang saya ko. I am very happy everytime I'm with him. Talaga namang tunay na kasiyahan ang nararamdaman ng puso ko.  Nang mag-vacant time ay pumunta kaming dalawa sa library, sa favorite spot namin.  "Ayesa?" nawag niya sa akin kaya tinigil ko ang pagbabasa ako. "Hmmm? bakit?" ewan ko ba sa kanya, kapag nandito kami wala siyang ibang gagawin kungdi ang titigan lang ako. Para bang iyon ang favorite niyang gawin. "Kanina ka pa ngumingiti." He said at para bang manghang- mangha siya sa nakikita niya. "Masama ba? I am just really happy. So happy!" I said. "Why? why are you so happy right now? what makes you happy?" "I am happy because I'm with you." Sumilay ang isang ngiti sa mukha niya. Hinawakan niya ang pisngi ko at napapikit ako dahil sa init na dala ng kaniyang palad. Nakakagaan at masarap sa pakiramdam. It calms my nerves. Maya maya'y naramdaman kong naglapat ang mga labi. We shared a passionate kiss. Ipinaramdam niya sa akin kung gaano niya ako kamahal. Naghahabol kami ng hininga nang tumigil kami. Pinagdikit niya ang noo niya sa akin. "I love you Ayesa." "I love you too Heighman." Ramdam kong nabigla siya sa sinabi ko. Ito kasi ang unang beses na sinagot siya ng "I love you too." "Ulitin mo Mahal ko. Say it again Ayesa. I want to hear it again." "I love you. I love you so much Heighman." Once again, we shared a passionate kiss. I will never get tired of his kisses. "I really love you," he said at pinagdikit niya ang mga noo namin. Uwian na pero inutusan pa ako ni Prof. Narag na ihatid sa faculty room ang mga test booklet namin, may exam kasi kami kanina. Si Heighman naman ay pinaantay ko na lang sa parking lot. "Thank you hija," sabi ni Prof. Narag nang mailagay ko sa table niya ang mga test booklet.  "Welcome po Prof." I said at binigyan niya pa ako ng candy bago ako lumabas ng faculty room.  Naglalakad na ako papunta ng parking lot  nang makita  ko si Claude na nasa corridor,  smoking a cigarette. Wait, bawal mag-smoke sa loob ng campus ah! Anyway, mukhang may hinihintay siya. Hindi ko tuloy alam kung papansinin ko ba siya o hindi, kasi naman kaninang umaga ay snob siya.  Nang makita niya ako ay umayos siya ng tayo, nakasandal kasi siya sa pader. Napatigil ako sa paglalakad ng naglakad na siya papalapit sa akin. "Ayesa," tawag niya sa akin nang magkaharap na kami. Baka mag-sorry siya sa inasal niya kaninang umaga. "Oh Claude, ikaw pala. Do you need anything?" tanong ko at lalong sumeryoso ang mukha niya. "Can I talk to you?" tanong niya at agad naman akong tumango. "Oo naman. Tungkol saan ba?" pinagmasdan pa niya ang paligid bago niya ako hinawakan sa pulso at hinatak palayo. "Huwag tayo dito." Sabi niya at lumiko kami sa may hagdanan at umakyat. "Saan ba tayo pupunta?" tanong ko pero hindi niya ako sinagot at  tuloy-tuloy lang kami sa paglalakad. Nakarating kami sa third floor at pumasok sa Art room. May kalayuan na ito sa mga classroom at walang nagagawi dito dahil ang sabi ng mga estudyante na may multo daw dito. Pumasok kami sa loob at medyo madilim na kaya binuksan niya ang ilaw. Bumungad sa amin ang magulong room, nagkalat ang mga art supplies katulad ng mga poster paints, brushes at canvass. Mukha ng abandonado ang room na ito. Humarap ako kay Claude at nakitang nakayuko lang siya habang nakasandal sa nakasarang pintuan. "Ano ba ang pag-uusapan natin at kailangan dito pa?" tanong ko sa kanya. Ilang minuto pa ang lumipas pero hindi pa rin siya nagsasalita. This time ay medyo naiinis na ko sa kanya. Ano bang problema ng lalaking ito? "Look Claude, if wala kang sasabihin ay aalis na ko." I said at bigla naman siyang tumingin sa akin. "Matagal ko na kasing gustong sabihin ito sayo, Ayesa." Sabi niya at lumapit na siya sa akin. "Ano ba 'yan?" "Matagal na kitang gusto. I am loving you for so long. I love you Ayesa. Pero bakit di mo ako napapansin?" gulat na gulat ako sa sinabi niya. Sa sobrang gulat ay di ko alam ang dapat sabihin ko. Wala akong idea about sa feelings niya para sa akin. Kaya ba mabait siya sa akin? "Matagal na tayong magkakilala pero bakit hindi mo nararamdaman ang pagmamahal ko sayo?" "Claude, ano--" hindi ko talaga alam ang sasabihin sa kanya. Hindi ko alam kung ano ang tamang response sa mga sinasabi niya. "Alam mo ba kung gaano ako nasaktan nang maging kayo ni Heighman? siya na kakakilala mo palang!" "Claude pasensya na kung hindi napansin na may pagtingin ka pala sa akin. I'm sorry if I'm dense," "Kailan mo ba ako puwedeng mahalin Ayesa? I always want you, I always love you." "Claude, I'm sorry but I'm on a relationship now and kaibigan lang kasi ang tingin ko sayo at hindi na hihigit pa doon." I said at bigla na lamang niya akong tinitigan ng masama. This time, nakaramdam na ako ng takot. This is the first time na makita ko siyang galit.  Nagulat ako ng bigla niya akong hinatak at hinalikan. Nagpumiglas ako pero mahigpit ang pagkakahawak niya sa akin. "Claude! Ano ba?!! Bitawan mo ako!" "Akin ka lang Ayesa! Akin ka lang! Akin ka lang dapat!" Sigaw niya sa akin habang pilit hinahalikan ang labi ko. Iniiwas ko ang ulo ko sa kanya pero malakas siya. Hinawakan niya ang leeg ko kaya hindi na ako makapiglas pa. Nagsimula ng gumapang ang mga halik niya sa leeg ko at pilit binubuksan ang suot kong blouse. Nabigyan ako ng pagkakataong mabawi ang kamay ko at agad ko siyang sinampal. Dinig na dinig sa buong room ang lutong ng pagkakasampal ko pero mukhang wrong move ako. Nag-aapoy ang mga mata niya sa galit at bigla na lamang hinablot ang buhok ko. "Akin ka lang Ayesa!" Hinila niya ang blouse ko at nagtalsikan ang mga butones nito. "Tulong! Tulungan niyo ako! Heighman!" "Wala ka ng magagawa Ayesa! Walang makakarinig sayo!" "Tulong---" nanghina ko nang suntokin niya ako sa sikmura. Para akong kinapos ng paghinga sa ginawa niya. Napaubo ako dahil sa ginawa niya. "Pakiusap Claude tama na. Maawa ka sa akin, I'm sorry pero please let me go. Hindi ako magsusumbong sa mga pulis, wala akong pagsasabihan nito. Let me go please." Pagmamakaawa ko pero kahit anong pagmamakaawa ko ay hindi niya ako pinapakinggan. Nabingi na siya at tuluyan na siyang nilamon ng galit. Hindi na siya ang Claude na nakilala ko. Wala na akong nagawa ng tuluyan na niyang nahubad ang blusa ko at sinimulang babuyin.  Pakiramdam ko ang dumi dumi ko na. Bawat halik at haplos ay parang kutsilyo na humihiwa sa buo kong pagkatao. Can somebody help me? Heighman, I hope you can hear me. Heighman, help me. Heigman, I'm sorry. Nawawalan na ako ng pag-asa na may makarinig at may tumulong sa akin. Narinig ko ang marahas na pagbukas ng pinto at ang sumunod na nangyari ay nakita ko kung papaano binuhat ni Heighman si Claude at inilayo sa akin. "You son of a b*tch!" Sigaw ni Heighmana ibinato si Claude. Para lang siyang manikang inihagis sa ginawa ni Heighman. Bumalandra si Claude sa kabilang bahagi ng kwarto. "How dare you?! How dare you?!" Kitang kita ko na naging pula ang mga mata ni Heighman, galit na galit ito at tila may itim na aura ang bumalot sa kanya. Napadako ang tingin ko kay Claude na hirap na hirap sa pagtayo. Napansin kong hindi na tama ang kaliwang braso niya, mukhang nabali iyon. "How dare you to hurt my queen?! to touch her?! to scare her?! to make her cry?! At higit sa lahat ang babuyin siya!" Walang humpay ang pagsuntok ni Heighman kay Calude, hindi na rin makalaban si Calude dahil lubhang mas malakas si Heighman. Halos di na makilala si Claude dahil sa pambubugbog sa kaniya ni Heighman.Puno na ng dugo ang mukha ni Claude at halos wala na itong malay. "I will kill you! I will f*cking kill you!" Hinawakan niya si Claude sa leeg at binuhat ito. Kayang kaya buhatin ni Heighman si Claude gamit lamang ang isang kamay. Kitang kita ko na nahihirapan ng makahinga si Claude. Hinawakan na ni Claude ang kamay ni Heighman na nasa leeg niya at nagtatap na siya,  "Heighman tama na." Awat ko sa kaniya. "No, Mahal ko. Pagbabayaran niya ang ginawa niya sa iyo.Hinding hindi ko palalagpasin ang ginawa niya sa iyo! Ako mismo ang maghahatid sa kanya sa impyerno!" This time ay halong humigpit ang pagkakasakal niya kay Claude, halos mamuti na ang mga mata ni Claude. Ayokong madungisan ang mga kamay ni Heighman ng dahil sa akin. "Heighman!" Pero hindi niya ako pinansin. Mukhang desidido siyang patayin na si Claude. Kahit na nahihirapan ay pilit akong tumayo at lumapit sa kanya. Dahil wala akong lakas ay halos gumapang na ako at hinawakan ang isa niyang kamay. Agad siyang napatingin ng mahawakan ko ang kamay niya na may dugo dahil sa pagsuntok niya.  "Please Heighman, tama na. Bitawan mo na siya." "Ayesa! I will not let this slip away! He needs to pay!" "Please, maawa ka sa kanya. Hindi na siya makalaban."  Nakita kong kumalma ang hitsura niya at unti unti na niyang ibinaba si Claude. Ubo ng ubo si Claude dahil muli na siyang nakahinga.  "I don't want to see your face again! Kapag nakita pa ulit kita, hindi na ako magdadalawang isip na patayin ka. Kahit pigilan pa ako ni Ayesa, ihahatid kita mismo kay Satan." Tumango na lang si Claude at kahit na hirap na hirap  ay nagawa niyang lumabas ng kuwarto. "I'm sorry Ayesa. Naging pabaya ako. I should not leave you alone." Sabi niya at niyakap ako. This time, bumuhos na ang mga luhang kanina ko pa pinpigilan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD